Advertisers

Advertisers

KALAMPAG SA OTORIDAD NG PASSI

0 118

Advertisers

ISA siyang socio-civic leader mula Metro Manila.

Founding president ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI)

Governor ng Central Luzon Region XLV sa payong ng The Fraternal Order of Eagle – Philippine Eagles na nagsasagawa ng mga makabuluhang programa para sa less fortunate na masang nasa laylayan ng lipunan.



Biniyayaan ng blessing sa kanyang mga negosyo kung kaya sa kanyang maka-Diyos na pamamaraan ay ishini-share niya ang biyaya sa tao tulad ng pagsagawa ng charitable projects sa kanayunan gaya ng feeding programs, medical missions at livelihood .

Nagtatayo siya ng mga negosyong ang pangunahing makikinabang ay ang nasa grassroot level at nagbibigay ng hanapbubay sa mga residente sa lalawigan maging ang mga indigenous people.

Siya si civic leader, founding chairman, Governor Rafael Agcaoili – pinagpala sa larangan ng kalakal at staunch supporter ni PBBM at VP Sara.

Kabilang ang Passi City sa kanyang programa for a cause, Mabibiyayaan ng kanyang expertise kung paano umangat sa buhay.

Nagtayo siya ng isang warehouse store kung saan ay dito makaka avail ng mga magsasaka ng Passi ng sobrang babang presyo ng organic fertilizer upang mapalaki ang kanilang ani. Gayundin sa mga households ,negosyo ng pagkain ay makakabili sila ng sobrang murang food condiments. Halos walang garansiya dahil ang kikitain sa produkto ay pansahod lang sa kanyang mga trabahador.



Noong opening ng Best Grow Agricultural product sa Passi City isang linggo na ang nakaraan, ang galak niyang naramdaman dahil may matutulungan na naman siyang kababayan sa kanyang sariling paraan, napalitan ang kasiyahan ng sama ng loob dahil siya mismo ang naging biktima ng masamang elemento ng mga kawatan sa Passi City.

Nilimas ng mga kawatan ang malaking halaga ng salapi laan pa sana sa mga mapalad na benepisyaryo ng kanyang noble advocacy sa Passi City. Dokumento at alahas ay tangay din.

Isang masamang karanasan ang nangyari sa isang taong mabuti ang kalooban.

Kung ikaw ay taga-Passi, tiyak na nagagalit ka sa gumawa ng krimen na maglalagay sa Passienos ng sobrang kahihiyan kundi mareresolba ang nakakarimarim nang pangyayari na naganap sa tinuluyang PINTADOS Resort sa Passi.

Isang linggo na ang nakaraan pero mukhang sumusuntok sa buwan o palilipasin na lang ng kinauukulan ang kahihiyan sa tungki lang ng kanilang hingahan. Huwag naman.

Kinakalampag ng korner na ito ang Passi City Police, Iloilo Provincial Police, Intel, SOCO at mismong me ari ng resort na sakotehin na ang mga salarin. Anong petsa na wala pang resulta?Mayor sir..Protektahan ang mga mamumuhunan. ABANGAN!

***

LOWCUT: Sa ating mga colleagues sa Passi, huwag maging passi’ muno sa fake news at pagbaliktad ng pangyayari. Sa totoo lang tayo at huwag pasisiil sa karapatan ng pagsiwalat at pawang katotohanan lang ,ang tunay na MEDIA, di natatapalan ng pilak ang mga mata!