Advertisers

Advertisers

Artist Tam Austria, itinatag ang Dangal-Lahi Foundation!

0 267

Advertisers

Ni NOEL ASIÑAS

TAGUMPAY ang inauguration ng Dangal-Lahi Foundation nung April 16, 2023 sa mismong mansion ng founder visual artist Tam Austria sa Banker’s Village, Antipolo City.
Dinaluhan ito ng halos lahat ng visual artist na nag-member ng foundation.
Ang mansion ni Tam ang magiging venue ng mga artist para ma-display ang kanilang mga Obra for possible sale.
Magiging artist Heaven ang white mansion na ang building ay mala-gothic ang dating.
Si Tam P. Austria ang founder and Chairman DLFI, samantalang ang board of directors ay binubuo nina actor/artist/singer Mike Austria, Samuel King A. Sagaral III, Celso Pepito, singer-artist Anthony Castelo at Danilo Sagaral.
Sa inauguration day, naging solo performer ang member artist at Soprano Diva Kathy Hipolito Mas. Inawit niya ang ilang unforgettable hit songs from classical, pop to kundiman.
Dumating din ang mga estudyante ni Kathy mula sa 3DLifeHouse Music School, 3D Morning Star Drive, Sanville Subdivision, Brgy. Culiat, West Avenue, Quezon City.
Estudyante ni Kathy ang nagparinig ng magandang awitin na kung saan siya ang nag-Invocation song, si KM Oliveros. Ang genius pianist na discovery ni Kathy, si Francis Jacob Matias, ang tumugtog sa piano ng mga inspiring unforgettable music.
Dumating din ang veteran actor-singer na si Ernie Garcia, na friend ni Kathy. Si Ernie ay member din ng foundation.
Dumating din ang kaibigan nina Kathy at Mike na sina George Sison-Tagle at ang mina-manage nitong talent na si O’win na kumanta rin sa programa.
Present din ang Perfect Harmony Quartet at ang accompanying pianist na si Ms. MaryAnne Baclao, ang tumugtog sa mga song ni Kathy nung gabi.
***
BONGGANG Mowelfund 50th Anniversary Celebration ang inihahanda ni Chairman of the Board Boots Anson Roa sa March 2024. Recently sa 49th anniversary ay ginanap sa mas malaking venue, kung saan lahat ng members at beneficiaries ay dumating na ginanap sa Alejandro Roces Elementary School sa Roces Ave., Quezon City.