Advertisers

Advertisers

300 KADIWA CENTERS DARAGDAGAN PA — PBBM

0 137

Advertisers

NANGAKO si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magtatayo ito ng mas marami pang ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa Presidente, sa ganitong paraan ay mas kikita ang mga magsasaka dahil mawawala na ang mga intermediaries o middlemen at makakabili rin ng mas murang agricultural products at iba pang produkto ang publiko.

“Ang aming ginagawa sa Kadiwa [ay] talagang pinaparami natin ‘yan. Ang nangyayari ay kailangan na rin talaga nating bantayan ‘yung supply ng mga agricultural commodities dahil kinukuha nga natin lahat nung mga mura, dinadaan natin sa Kadiwa. Eh very popular sa tao, siyempre at mas maganda talaga ang presyo kaysa sa ibang lugar,” wika ni Marcos sa programa ni dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.



Bukod sa target na P20 kada kilo ng bigas, sinabi ni Pang. Marcos na mas pinalalakas din ang supply chain at sinisikap na maging abot-kayat ang mga pangunahing bilihin.

“Hindi pa tapos ‘yung pag-aayos natin ng Department of Agriculture. Ngunit, dahan-dahan alam na namin ‘yung kailangan natin gawin. Alam na natin kung saan ‘yung matibay ang sistema, kung saan ‘yung medyo mahinang sistema, kung saan puwede talagang… kailangan talagang tulungan, ‘yun ang aming mga tinitingnan ngayon,” sabi ng Presidente.

Ang Kadiwa na may 300 nang sangay sa buong bansa ay isang linkage facilitation program ng DA na layong ilapit sa publiko ang mga murang bilihin.

“Kaya’t siguro naman ‘yung PHP20, siguro down the road mapapaabot natin ‘yan. Ngunit mas mahalaga kaysa…‘yung mga specific na produkto ay makaabot ang Kadiwa sa maraming lugar,” dagdag pa ni PBBM. (GILBERT PERDEZ)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">