Advertisers

Advertisers

Maj. Gen. Acorda Jr. bagong PNP Chief

0 166

Advertisers

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong“ Marcos Jr., bilang ika-29 Hepe ng Philippine National Police (PNP) si Gen. Benjamin Acorda Jr., kapalit ng retiring na si Gen. Rodolfo Azurin Jr., nitong Lunes ng umaga.

Pormal nang naumupa si Acorda bilang bagong PNP Chief sa pangungauna ni President Marcos Jr., sa ginanap na turn over ceremony Camp Crame, Quezon City.

Nagretiro sa serbisyo si Azurin sa kanyang ika- 56 taong kaarawan bilang mandatory retirement.



Tubong IIocos Norte si Acorda at kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) ‘Sambisig’ Class of 1991.

Nagtapos ng elementary sa Gabaldon Elementary School Special Education Center sa Laoag City at High School sa Bacarra National Comprehensive High School kung saan nakilala ang asawa na si Oliva Balasi Afaga at nagkaroon ng 4 na anak.

Bilang isang Police Officer, nagtapos din si ACorda ng Master Degree in Management sa Philippine Christian University at nakatanggap ng parangal na “ Bronze Cross Medals” sa Armed Forces of the Philippine (AFP) sa ipinamalas na kabayanihan.

Bukod dito, sumailalaim rin si Acorda sa mga special training kabila ang Police Intelligence Officer Advance Course, Logistic Management Course at Drug Law Enforcement Training Course.

Bilang Commander, nag-chief of Police ng Balungao, Sison, Bolinao si Acorda at Sual Municipal Police Stations sa Pangasinan, Naging Regional Director ng Police Regional Office 10 Northern Mindanao PNP Criminal Investigation and Detection Group; Region 4-B chief.



Naitala rin si Acorda bilang chief of staff ng PNP Civil Security Group at commander ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group.(Mark Obleada)