Advertisers

Advertisers

Jodi nagreak sa laplapan kay Joshua sa proyekto; Beauty pinagpiyestahan ng netizens ang flower

0 183

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGING hot topic sa socmed ang flower ni Beauty Gonzales nang kanya itong ipost sa Instagram.
As in, pinagpiyestahan ang pagkaka-display ni Beauty ng kanyang flower.
Kahit nga mister nitong si Norman Crisologo ay natuwa sa flower ni Beauty.
Sa isang photoshoot ay naka-two piece lang si Beauty para sa iniendorso nitong pampaganda.
Sa pag-amin ni Beauty ay idea or concept ng kanyang mister ang paglalagay ng isang bungkos na bulaklak sa harap ni Beauty at ‘yung iba namang bulaklak ay sa kanyang mukha.
Naging hot topic at trending ang kanyang flower na ikinatuwa ng mister ng former housemate ng PBB.
Tinanong nga ito ng mister at nakarating din dito ang pagiging viral ng kanyang flower kaya nilinaw lang ni Beauty na di mismo ang kanyang flower kungdi ‘yun inilagay nitong bungkos na flower ang nag-viral.
Happy naman si Beauty sa very supportive na asawa sa kanyang career.
***
NAGULAT nga lang daw ang netizens nang ipalabas ang teaser ng seryeng pagsasamahan nina Jodi Sta Maria at Joshua Garcia na parehong Kapamilya kasama ang ka-collab na taga-Kapuso na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.
Nagulat lang daw ang netizens sa torrid kissing scene nila ni Joshua.
Dahil di naman ini-expect na may ganung eksena ay magagawa nina Jodi at Joshua ang laplapan scene.
Dahil sino naman daw ang mag aakala na meron silang lips to lips sa serye dahil sa laki ng kanilang age gap.
Bumilib naman si Jodi kay Joshua at talagang gagawin nito kung ano ang nasa story.
As in, napaka-professional nga raw ni Joshua at trabaho lang daw ang lahat para sa kanya, pagbibida pa ni Jodi.
Parehong prof sa kanilang trabaho kaya naman nakunan ng walang kaartehan sa dalawang bida at nagbigay nila or nabigyan nila ng justification ang role na kanilang pinortray.
Ito ang kauna-unahang collab ng dalawang higanteng network at inaasahan ng buong cast na lilikha na naman ng ingay ang nasabing project na may titulong Unbreak My Heart.
Well, well, well…’Yun na!