Advertisers
Ni ROMMEL GARCIA
NAGPAKA-action star si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy!
Gumanap bilang si Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy ng GMA na mapapanood na sa telebisyon ngayong Mayo, fantasy series ang Voltes V: Legacy, may action/fight scenes sa programa si Carla.
“Yes, meron din po.”
Hindi naman unang beses ni Carla na gumawa ng maaksyong eksena sa isang proyekto kaya hindi naman daw siya nahirapan.
“Hindi naman po, hindi naman po first time ng may action scenes, pero siyempre ibang level po yung dito, given na ang lalaki po ng mga explosions, ng lawak po ng mga set, of course and daming parang equipment, mga materials, mga weapons, ganun po, gears, so mas malaki, bigger movement, bigger action, mga ganun.
“So iyon lang naman po yung kaibahan. Hindi naman po sobrang nahirapan because kumpleto po e, talagang kumpleto yung kailangang support, may mga nagte-train po talaga sa amin, may nagga-guide sa amin.
“Of course may mga stunt doubles po and stunt directors, mga effects na teams, ultimo make-up, lahat kumpleto po, so kahit mahirapan man po kami mas magiging mahirap po siguro kung wala po silang lahat.
“So minor lang naman po in terms of yung sa aking character, of course the action, all the fight scenes are more on the… yung ibang characters po, pero just enough na nakapaglaro din po ako at na-enjoy ko din po yung mga ganung eksena,” kuwento sa amin ni Carla.
Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert at Raphael Landicho bilang Little Jon.
Samantala, patuloy na pinipilahan sa SM Cinemas ang Voltes V: Legacy The Cinematic Experience.
Mapapanood din sa Voltes V: Legacy sina Martin del Rosario bilang Prinsipe Zardoz, Liezel Lopez bilang Zandra, Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba.
Ang Voltes V ay sa direksyon ni Mark Reyes.
***
DINA INIHAYAG ANG MGA RASON PARA MAABOT ANG PANGARAP
TINANONG namin si Dina Bonnevie kung ano sa palagay niya ang dahilan at isang malaking tagumpay sa ratings game ang Abot Kamay Na Pangarap na serye nila sa GMA.
“Actually, pag tinatanong kung bakit very successful yung show, sa akin lang ha, sa mga nababasa ko sa script, tingin ko ang reason kaya maraming followers yung show is because number one, parang, ipinapakita niya sa mga tao na totoong abot kamay ang pangarap.
“Na kung may pangarap ka, makakamtan mo, magkaroon ka man ng maraming hadlang, kung naniniwala ka sa Diyos na ibibigay sa iyo, at lahat naman ginawa mo, bukod sa… kumbaga hinihintay mo na lang ang Diyos na pumayag sa gusto mo.
“Pero kailangan mo pa ring tulungan ang sarili mo, maabot mo e, parang there’s no reason para hindi mo makuha yung gusto mo, kung pagtatrabahuhan mo.
“And then if it’s God’s will di ba, yun lang ang hindi natin puwedeng baliin, kung gusto ni God or hindi, parang Siya pa din ang masusunod.
“Parang earthly father natin di ba, maaring humihingi tayo ng kotse pero hindi naman tayo marunong magmaneho, bakit sa iyo ibibigay ng tatay mo?
“Pero kung humingi ka ng kotse pero, ‘Dad marunong na akong magmaneho tsaka may lisensiya na ako’, di ba ibibigay sa iyo ng daddy mo?
“So parang ganun din, so sa tingin ko dito, yung mga members ng cast may iba’t ibang pangarap.
“Hindi lang sila, pati yung mga nanonood may mga pangarap sila, so nakaka-identify sila na, ‘Wow tingnan mo si Lyneth, no read no write pero tingnan mo nakapagpatapos siya ng isang doktor’, di ba?”
Ginagampanan ni Carmina ang papel ni Lyneth Santos sa serye, samantalang si Jillian Ward naman ang anak niyang doktora na si Analyn Santos.
“Parang tingnan mo ‘tong si Analyn, isa siyang anak sa labas pero hindi naging hadlang yung pagiging anak niya sa labas, eto na’t na-recognize na siya ng tatay niya, na anak pala niya si Analyn.
Ama ni Lyneth si RJ Tanyag na ginagampanan naman ni Richard Yap.
“And then eto pa ang Tita Giselle na nung ayaw sa kanya kasi anak siya sa labas, ngayon tinatanggap na siya bilang miyembro ng pamilya nila.
“So I think iyon ang factor kung bakit inaabangan ng tao, kasi you know when it’s good news… people like to hear good news, kasi nakaka-identify sila, pero kapag bad news, ‘Ay naku ayoko niyan nakaka-stress yan’.
“Ganyan, tingin ko iyon ang reason. Tsaka magaling naman talaga ang pagkaka-direk at magagaling yung mga artista.”