Advertisers
PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na ‘underfunded’ ang Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni DBM Sec. Wendel Avisado sa kabila ng pagbusisi kung bakit P113 bilyon lamang ang budget ng DOH sa kabila ng kinakaharap na pandemya kung saan P2.5 bilyon lamang ang inilatag na budget para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Avisado na hindi tama o accurate na sabihing ‘underfunded’ ang DOH para sa susunod na taon dahil sa tumaas pa nga ito sa 26%.
Giit pa ni Avisado, ang mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay hindi naman naka-pokus lang sa ilalim ng DOH. Inihayag ni Avisado na tulung-tulong ang iba’t-ibang sangay, departamento at ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon ng health crisis. (Josephine Patricio)