Advertisers

Advertisers

2 trabahador patay sa hinuhukay na balon

0 123

Advertisers

Patay ang dalawang trabahador nang ma-suffocate habang naghuhukay ng balon ng tubig sa Barangay Dusacan, Leon, Iloilo, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Leon PNP ang mga biktima na sina Gebert Cag-ang, 33 anyos; at Stephen Canindo.

Sa imbestigasyon ng Leon PNP, naghuhukay ng balon ng tubig ang mga biktima kasama ang isa pang hindi tinukoy na lalaki sa lugar nang mangyari ang insidente.



Pansamantala umanong iniwanan ng kanilang kasamahan ang dalawang biktima habang naghuhukay ng balon. Pero pagbalik nito nadatnang nakahandusay at walang malay sa loob ng balon ang dalawang biktima.

Agad itong humingi ng tulong para makuha at madala sa ospital ang biktima pero idineklara ang mga ito itong dead on arrival.

Sa death certificate na inilabas ng doktor, suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang biktima.

Nawalan umano ng hangin ang dalawang biktima sa ilalim ng nasa 20 talampakan na lalim na balon at dumagdag pa sa sitwasyon ang sobrang init ng panahon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">