Advertisers

Advertisers

Lady manager kinulimbat ang kita ng fast food chain, timbog

0 182

Advertisers

NADAKIP ng pulisya ang isang babaeng assistant manager ng kilalang fast food chain sa Quezon City matapos tangayin nito ang nasa P.1 milyong kita ng establishment.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brigadier General Nicolas D Torre III Torre, ang nadakip na si Mary Grace Belarmino Perfiñan, 35 anyos, manager/head cashier ng Mang Inasal SM Cubao branch, at residente ng Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Sa report sa Quezon City Police Station 7 ng may-ari ng establishment na si Shiela Atienza, 1:30 ng hapon ng Sabado, April 29, 2023, nang madiskubre sa audit report ang sales/income na nawawala na P100,000 cash.



Lumitaw sa imbestigasyon, tanging si Perfiñan ang in-charge sa sales ng food store sa loob ng halos 12 taon.

Dahil dito, inireklamo ng may-ari ng restoran sa pulisya ang suspek at agad siyang inaresto ng mga pulis.

Nahaharap si Perfinan sa reklamong ‘Theft’. (JUN FABON)