Advertisers

Advertisers

6 months ‘di nakalabas ng bahay… Erich nag-panic buying nang magpunta sa supermarket

0 253

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI mapahindian ni Maja Salvador ang paanyaya ng tatay tatayan na si Mr. M. o Johnny Manahan.

Sa ginawang  zoom meeting ay nagdayalog pa si Mr. M. na kailangan nga raw nito si Maja.



Kaya pagkasabi nun ay hindi na nga nag-dalawang isip pa si Maja na lumipat sa TV5.

Tuluyan nang iniwan ng dalaga ang halos dalawang dekada na pananatili sa ASAP.

Pero nagpasalamat si Maja sa dating Sunday noontime show na kinilala ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Sa pagbabalik  naman ng Kapamilya network through A2Z ay mawa-watch na ang mga programa ng ABS-CBN.

Kaya tanong ng netizens, sa pagsunod ba ni Maja kay Mr. M., wala bang pagsisisi ang aktres sa naging desisyon na paglipat?



***

SUMUNOD si Erich Gonzales sa health protocols nung magka-Covid kaya naman sa lockdown ay masasabing masunuring mamamayan ang aktres.

As in, nasa loob lang daw ito ng kanyang bahay at halos lahat ay delivery.

Isa sa iniisip ni Erich ay ang kanyang grocery at paano kung maubos na ito.  Sa vlog nga nito ay talagang  ipinakita ni Erich ang pagkasabik sa paggo-grocery.

Makalipas ang anim na buwan na  hindi lumalabas ay inamin ni Erich na now lang ito nakapunta ng supermarket.

Na-miss nito ang pamimili at sa YouTube channel nito ay nagmistulang nag-panic buying si Erich.

Well, well, well… ‘Yun na!