Advertisers
PAMUMUNUAN ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang kampanya ng Pilipinas sa Asian Weighlifting Championship na nakatakda sa Mayo 3-15 sa Jinju, South Korea.
Ang Zamboangueña ay sasabak sa women’s 59kg category kasabay ang kapwa Olympian Elreen Ann Ando ng Cebu.
Ang iba pang kasama sa lineup ay sina Rose Jean Ramos (women’s 45kg), Rosegie Ramos (women’s 49kg) at Kristel Macrohon (women’s 71kg) ng Zamboanga City, Vanessa Sarno ng Bohol (women’s 71kg), Lovely Inan ng Angono, Rizal (women’s 49kg) at John Febuar Ceniza ng Cebu City (men’s 61kg).
Kasama rin sa biyahe ang mga coaches Nicolas Jaluag (Bohol), Patrick Lee (Pampanga) at Christopher Bureros (Cebu), at Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella head of delegation.
Ang Asian Weighlifting Championship ay second qualifying event para sa 2024 Paris Olympics matapos ang World Championship sa Bogota,Columbia nakaraang taon.
Ang 32-year-old Diaz ay lumahok at nagwagi ng gold medal sa 55kg sa Columbia pero ang category ay hindi kabilang sa Paris.Ang 2022 SEA Games at 2018 Asian Games champion ay nagpasya na umakyat sa 59kg.
Si Ando na sumabak sa Tokyo, nagtapos seventh overall sa 64kg category. Nakakuha siya ng 3 gold medal sa 2020 Asian Weightlifting Championship sa Tashkent,Uzbeskistan — bronze sa snatch at 2 silvers mula sa clean and jerk at total lift. Nagwagi rin siya ng silver medal sa Vietnam.
Sarno, ang reigning champion, nagwagi sa women’s 71kg category sa Vietnam SEAG, naitakda ang bagong rekords sa snatch (104kg) clean and jerk (124KGS) at total (239kgs) Humakot rin siya ng 3 gold medals sa 2022 Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.
Pagkatapos ng Asian Championship, limang atleta sina,Ando,Macrohon,Sarno,Inan at Ceniza ay babalik sa Manila para makasama ang teammates Angeline Colonia (women’s 49kg), Rosalinda Faustino (women’s 55kg), Dave Lloyd Pacaldo (men’s 67kg) at John Dexter Tabique (men’s 89kg) sa flight patungong Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 11. Lalaktawan ni Diaz ang SEA Games para mag focus sa kanyang training.