Advertisers

Advertisers

Puganteng Kano huli sa Palawan

0 153

Advertisers

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Palawan ang isang puganteng American national sa Florida sa kasong ‘racketeering’ at ‘financial fraud’.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang Amerikano na si Rick Lee Crosby Jr., 44 anyos, na naaresto sa Puerto Princesa City ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU).

Ayon kay Tansingco, agad ipapa-deport pabalik sa US si Crosby at kasama rin ang kanyang pangalan sa immigration blacklist upang hindi na ito makabalik pa ng Pilipinas.



Kasalukuyan nakakulong si Crosby sa National Bureau of Investigation Puerto Princesa District Office, bago ito dalhin sa facility ng BI sa Taguig City.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Crosby noon pang April 2020 nang naisyuhan ng arrest warrant ng Thirteenth Judicial Circuit sa Hillsborough County Florida.

Nahaharap si Crosby sa kasong Racketeering, Conspiracy to Commit Racketeering, Money Laundering, at Organized Scheme to Defraud.

Kinansel narin ng US government ang passport ni Crosby kaya isa na itong undocumented at kinakailangan nang ipa-deport. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">