Advertisers
ARESTADO ang isang online seller na dadalaw sa kanyang mister na nakakulong nang malaglagan ng shabu habang iniinspeksyon ng duty jailer ang kanyang plastic bag sa Calumpit, Bulacan.
Kinilala ang naaresto na si Joselyn Ferrer, tubong Guiguinto at kasalukuyang residente ng Barangay Palimbang, Calumpit.
Sa report, nahuli ang misis 8:18 ng gabi nitong Martes nang magdala ng damit sa kanyang asawang nakakulong sa istasyon ng pulisya.
Ayon kay PSSG Xerxes Martin, nalaglag ang dalawang maliit na sachet nang bulatlatin ang pulang plastic bag ni Ferrer ng duty jailer na si Pat Reynaldo Sahagun Jr., kaya agad inaresto.
Dagdag pa nito, kabilang ang misis sa watchlist habang ang kanyang dinalaw na mister ay nakulong sa kasong iligal na droga.(James de Jesus)