Advertisers

Advertisers

Salpukan ng 2 van: 1 patay, 1 sugatan

0 225

Advertisers

NASAWI ang 4-anyos batang lalaki at sugatan ang 22-anyos na ama nang bumangga ang commuter van na minamaneho ng huli sa kasalubong na forward freezer van sa Matalam, Cotabato nitong Miyerkoles.
Nangyari ang banggaan sa national highway ng Purok 1, Barangay Kilada 2:00 ng hapon.
Ayon sa hepe ng Matalam Municipal Police Station (MPS) na si Capt. Junrel Amotan, papunta sa kalapit na bayan ng Kabacan ang mag-ama nang bigla itong lumipat sa lane ng forward freezer van.
Madulas ang kalsada dahil umuulan nang mangyari ang insidente
Nagtamo rin ng minor injury ang driver ng forward freezer van na puno ng dressed chicken mula Cagayan de Oro City at papuntang Digos City.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Matalam MPS ang driver ng forward freezer van na posibleng sampahan ng reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury, at damage to property.(PFT team)