Advertisers

Advertisers

KASO NI MARY JANE VELOSO, ‘DI ISUSUKO NI MARCOS

0 128

Advertisers

TINIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na patuloy niyang igigiit sa Indonesian government ang posibleng pagkakaloob ng pardon sa Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso.

Matatandaang nahuli si Veloso sa kasong drug trafficking at pinatawan ito ng parusang kamatayan noong 2015 matapos mahulihan ng dalawa punto anim na kilong heroin sa kanyang bahage noong 2010.

Ipinagpaliban ang pagpapataw ng parusang bitay kay Veloso nang igiit ng Pinay na siya ay inosente at ang bagahe ay ibinigay lamang sa kanya ng mga recruiters na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.



Samantala, sinabi ni Pang. Marcos na mananatili ang kanyang posisyon sa kaso ni Veloso at ito ay ang posibleng pagpapalaya rito.

Gayunman, sinabi ni PBBM na ilang beses na ring nilinaw ng Indonesian government na batas nila ang kanilang pinagbabatayan at ang tangi raw nilang maibibigay ay ang postponement sa parusa laban sa nasabing Pinay.

Si Pang. Marcos ay mananatili sa Indonesia hanggang ngayong Huwebes, Mayo 11 para sa ASEAN Summit. (GILBERT PERDEZ)