Advertisers
Pagmamahal sa kalikasan ang ipinang-popronta ng MASUNGI GEORESERVE FOUNDATION sa lugar na nasasakop ng BARAS, RIZAL.. , subalit pagpapanggap lamang dahil sa reyalidad ay malaberdugong pangangamkam sa mga lupaing matagal nang minamantini ng mga magsasaka sa naturang lugar.
Ito ang himutok ng mga magsasaka sa BARANGAY PINUGAY, BARAS, RIZAL na anila ay naging magulo ang kanilang lugar sa pagsulpot ng MASUNGI FOUNDATION na ILEGAL at namumuwersa umano sa pagpapalayas sa mga MAGSASAKA gayong hindi naman daw sakop ng naturang foundation ang mga lugar na matagal nang minamantini mula pa umano sa mga ninuno ng mga magsasaka.
Ang pangangamkam.ng MASUNGI ay umabot pa sa punto nang “FABRICATED SHOOTING INCIDENT” sa bulubundukin bahagi ng SITIO SAN ROQUE, BRGY. PINUGAY na ibinnintang sa mga MAGSASAKA ang naganap na kaguluhan.., gayong ang mga ebidensiyang nasamsam ng mga awtoridad tulad ng mga baril ay pag-aari ng mga armadong guwardiya ng MASUNGI FOUNDATION.
Mga ka-ARYA.., ang naganap na kaguluhan noong July ng nakaraang taon ay nagsihiling ang mga MAGSASAKA sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) para muling imbestigahan na mayroong 2 armadong guwardiya ng MASUNGI ang nasugatan noon na nakilalang sina MELVIN AKMAD at KUKAN.MAAS.
Batay sa 18-pahinang ulat ng RIZAL PROVINCIAL INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT UNIT (PIDMU) sa noo’y PNP CALABARZON REGIONAL DIRECTOR MAJOR GENERAL MELENCIO NARTATEZ.., lumalabas na na-wow mali ang lokal na pulisya sa pagdakip sa isang JAY SAMBILAY na tumatayong lider ng mga magsasaka sa naturang lugar.
Bukod kay SAMBILAY, kabilang din sa mga sinampahan ng FRUSTRATED MURDER CASE ay sina ARNEL OLITOQUIT, JONJON SAMBILAY, DAMSANA IPANG, JEFFERSON SAN DIEGO, CRISANTO TRINIDAD at EPHRAIM VILLACRUZ.
Sa imbestigasyon, lumalabas na narekober ng pulisya ang ginamit na shotgun sa outpost ng iba pang armadong guwardiya ng MASUNGI.
“SOCO arrived at the crime scene… and recovered at the Masungi guard’s barracks, two pieces of spent shotgun shells and one 12-gauge shotgun,” saad sa isang bahagi ng INVESTIGATION REPORT na PIRMADO ni RIZAL PROVINCIAL POLICE DIRECTOR COL. DOMINIC BACCAY.
Tumanggi rin umanong magsalita ang mga biktima, alinsunod sa payo ng hindi tinukoy na abogado.
Sa isang pahayag, nanindigan naman si SAMBILAY na hindi mga magsasaka ang dapat idiin sa kaso.., dahil ang MASUNGI FOUNDATION di umano ang NANGGIGIPIT sa mga MAGSASAKA at RESIDENTE ng SITIO SAN ROQUE.
“Payapa ang buhay namin… gumulo nang dumating sila (Masungi). Gusto nila sakupin ang Sitio San Roque at gawing bahagi ng pangarap na hasyenda sa bisa ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng yumaong Environment Sec. Gina Lope,.” saad ni SAMBILAY.
Para kay SAMBILAY.., bahagi sa plano ng isang pamilyang nagpapanggap na environmentalist ang ipakulong sila para mawala ang balakid sa pinupuntiryang 2,700-ektaryang lupang SINLAKI ng MAKATI CITY.
“Totoong tutol kami sa pananakop ng Masungi. May pinanghahawakan kaming mga dokumento. Batid din naman nilang saklaw ng batas ang pananatili at pagtatanim namin dito. Kaya siguro naisip nilang gumawa ng pakulo at ibintang sa amin dito,” giit ni SAMBILAY.
Sana naman.., maging makatotohanan ang ginagawang pagsisiyasat na ang mga nagsisilbing nang-aabuso ang mapanagot!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.