Advertisers

Advertisers

Otom, Gawilan kwalipikado para sa World Para Swimming Championships

0 112

Advertisers

ASEAN Para Games triple-gold medalist Angel Mae Otom at Paralympian Ernie Gawilan ang magdadala ng national colors sa 11th World Para Swimming Championships na nakatakdang ganapin sa Manchester, United Kingdom mula Hulyo 31-Agusto 6.

Ang Filipinos ay nakaakit ng trip patungong UK sa pamamagitan ng Minimum Qualifying Standard (MQS) at Minimum Entry Time (MET) na itinakda ng World Para Swimming sa ginanap na Citi Para Swimming World Series sa Singapore mula Abril 29-Mayo 1.

Otom, na may congenital upper limb deficiency, nangibabaw sa women’s 50m backstroke sa 42.00 seconds. may oras na 49.47 seconds sa 50m butterfly para magtapos sa third place.



Ang MQS na 50m backstroke at ang 50m butterfly at 52.66 seconds at 56.15 seconds, ayon sa pagkakasunod.

Si Otom ay kwalipikado rin sa 50m freestyle (42.76,MQS 45.07) at 200 m freestyle (3:53.84) MQS 3:55.34.

“I’m so happy because I won two medals in Singapore although the times I registered were not my best performances,” Wika ng University of the Philippines freshman na may kursong sports science sa panayam Martes.

Ang personal best time ni Otom ay 41.58 (50m backstroke), 48.070 (50m butterfly), and 41.40 (50m freestyle).

“When I learned that I qualified for the worlds, I was shocked. I didn’t expect it. It’s my first time to swim in the 200m freestyle, too. The opportunity to compete against world-class swimmers in Manchester is something I am looking forward to. I am excited,” Dagdag pa nya.



Si Otom ay pinanganak sa Meycauyan,Bulacan pero lumaki sa Olongapo City, sa bayang ng kanyang ina. Natuto syang lumangoy sa batang edad dahil ang kanilang tahanan ay malapit sa beach.

Sumali siya sa 2018 Philippine Sports Association for Disabled Athletes (PHILSPADA) National Para Games sa Marikina, nagwagi ng gold medal sa 100m backstroke. Sumunod na taon, naging miyembro siya ng national team.

Nagwgi si Otom ng bronze medal sa 100m freestyle sa 2021 Asian Youth Para Games sa Bahrain, na kanyang unang international competition.

Nag debut siya sa 2022 ASEAN Para Games sa Indonesia na may three gold medals mula sa 50m backstroke (41.58), 50m butterfly (48.070) at 50m freestyle (41.40).

Sinabi ni Otom na ang qualifying sa World Championship ang nag udyok sa kanya na pagbutihin pa sa Cambodia ASEAN para Games sa Hunyo 3-9.

Samantala, si Gawilan ay hindi pinalad na makasikwat ng medalya sa Singapore, ang kanyang oras na isinumite sa 400m frestyle (5:16.freestyle (5:06.02, MQS 5:16.80), 100m freestyle (1:07.99, MQS 1:08.16), 50m freestyle (32.78, MET 32.86), at 50m butterfly ay sapat na sa kanya para ma qualify sa World Championships, panagatlo matapos sumabak sa Scotland (2015) at London (2019).