Advertisers

Advertisers

Bebot inakalang may textmate minartilyo-patay ng ka-live in

0 91

Advertisers

Patay ang isang babae nang hampasin sa ulo ng live-in partner gamit ang iron hammer sa Barangay Capaniqian, Allacapan, Cagayan noong Martes.

Ayon kay Allacapan Police Station chief-of-police P/Maj. Joel Labasan, kinilala ang biktima na si Judy Juan habang ang salarin na si Adimar Verbano, kapwa-taga Barangay Capaniqian, Allacapan, Cagayan.

Ayon kay Labasan, inamin mismo ni Verbano ang pamumukpok sa ulo ng biktima. Matapos ang pagmamartilyo nagtungo si Verbano sa isang carnival kasama ang mga kamag-anak at nakipag-inuman.



Sinabi ng pulisya, pinalabas ni Verbano na pag-uwi sa kanilang bahay, nadatnan na niya na wala ng buhay ang biktima kaya’t nagtungo siya sa APS upang ipagbigay alam ang insidente.

Ayon kay Labasan, batay sa testimonya ni Verbano, bago ang pamumukpok nito sa ulo ng kanyang live-in partner, naging madalas umano ang kanilang pagtatalo dahil sa hinihinala niyang may ka-text ang kinakasama ngunit nang tignan ng pulisya ang cellphone ng biktima wala naman silang nakitang kausap nito. Napag-alaman na mahigit 5 taon nang nagsasama ang dalawa.

Sa ngayon, nakakulong si Verbano sa APS detention cell at sasampahan ng kaukulang kaso.