Advertisers

Advertisers

Comelec ready na sa BSKE; kandidato ikot na!

0 107

Advertisers

SIYENTO porsiyentong nang handa ang Commission on Election para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30 ng taon.

Sana hindi drawing itong pahayag ng Comelec. Baka mamaya nyan, pagdating ng araw ng halalan ay marami na namang kapalpakang mangyayari tulad ng kulang na delivery na mga balota at iba pang kailangang voting paraphernalias?

Sabi ni COMELEC spokesperson, Atty John Rex Laudiangco, halos 92 milyong balota na gagamitin para sa halalan ay naimprenta na. Ayos!



Ang tanging gagawin na lamang ng Comelec ay ang pag-imprenta ng karagdagang balota para sa mga bagong botante at para sa mga na-reactivate na 1.6 milyon.

Ibig sabihin nito ay nasa 93.6 milyong balota ang kailangan dito sa BSKE.

Tiniyak ng COMELEC na tatlong araw lamang nilang iimprinta ang 1.6 milyong balota. Bravo!

So, sa mga nagbabalak tumakbo sa BSKE, simulan nyo na ang pagpapainom sa mga tambay sa inyong lugar. Hehehe…

Sa mga ayaw patalo sa halalan, bilangin nyo muna ang mga sigurado nyong botante bago kumasa para hindi masayang ang inyong effort sa pangangampanya at gastos. Mismo!



Oo! Mas malupit ang eleksyon sa barangay kesa municipal. Dahil mga magkakamag-anak, magkakaibigan at magkakapitbahay lang ang maglalaban-laban dito. Nagkakasamaan ng loob na madalas humantong sa patayan. Ngayon pa nga lamang ay marami nang naa-ambush na mga nagbabalak kumandidatong tserman o kapitan. Araguy!!!

Kaya dapat ay magpakalat na ang Philippine National Police ng kanilang mga tauhan sa mga barangay lalo sa mga lugar na may history nang patayan pag barangay election.

PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., Sir! gawin nyo nang 24 oras ang pag-iikot ng mga pulis sa mga barangay lalo ‘pag nagkaroon na ng filing ng Certificate of Candidacy (CoC). Just do it, General!!!

***

Nowhere to go na itong si suspended Negros Oriental Representative Arnulfo Teves, ang itinuturong utak sa pagpatay sa gobernador ng lalawigan at siyam pang indibidwal noong Marso 4 ng kasalukuyang taon, at inaakusahang nasa likod ng mga pagpatay sa naturang probinsiya.

Mino-monitor na ngayon ng gibyerno ang mga galaw ni Teves na nagtatago sa ibang bansa. Huli siyang natukoy sa Timor Leste na nag-aaplay daw ng protection visa para sa planong magkaroon ng political asylum.

Pero tinanggihan daw ng gobyerno ng Timor-Leste si Teves. At binigyan ito ng limang araw lamang para lumayas sa bansa.

Walang ibang pupuntahan ngayon si Teves kundi ang magpaikot-ikot nalang sa mga karatig bansa ng Timor-Leste.

Tapos pinoproseso pa ngayon ng Department of Justice na kanselahin ang pasaporte ni Teves at i-freeze ang kanyang mga kayamanan. Araguy!!! Nagwakas ang pamamayagpag ni Teves.

Pero sa tingin ko nailabas na ni Teves sa mga bangko ang kanyang bilyones mula sa kanyang gambling businesses, etc… Tapos na ang mga Teves!