Advertisers

Advertisers

SEAGames athletics… CRAY NAKA-SAGIP NG GINTO PARA SA ‘PINAS

0 133

Advertisers

PINAGHARIAN ni Eric Shaun Cray ang 400 meter hurdles sa athletics event ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Morodok Techno National Stadium sa Phnom Penh.

Isinumite ni Cray ang gintong oras ng 50.03 upang daigin ang pambato ng Thailand na si Natthapon Densungnoen ng ( 50.73) upang sagipin ang matamlay na gintong ani ng Team Philippines,ikatlo sa athletics kortesiya nina EJ Obiena sa pole vault at Jenry Ubas sa long jump.

Inihandog ni Cray ang ika-27 gold medal ng Pilipinas na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee habang nagpi- piyesta ang Thailand ,Vietnam at Cambodia sa pag-ani ng combat golds na nagpanatili sa Pilipinas sa pang-anim na puwesto.



Sasandig ang pag-asa ng Team Pilipinas sa ating mga boxers, arnis, taekwondo weightlifters ,judo bets at Gilas Pilipinas. (Danny Simon)