Advertisers

Advertisers

PBBM KAY TEVES: “UMUWI KA NA!”

0 102

Advertisers

MULING nanawagan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na umuwi na ng Pilipinas at harapin ang mga alegasyon sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Ginawa ni PBBM ang pahayag ilang araw matapos ibasura ng Timor-Leste ang hirit ni Teves na political asylum.

Ayon kay Pang. Marcos, ang pinakamagandang dapat gawin ni Teves ay umuwi na lamang ng bansa.



Samantala, muli ring kinumpirma ng Pangulo na sinabi sa kanya ni Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa isang bilateral meeting na nag-apply nga ng asylum sa kanila si Teves na agad nitong ibinasura.

Sinabi pa ni Pang. Marcos na maaaring umapela pa sa desisyon si Teves kaya’t hihintayin pa ng pamahalaan na matapos o makumpleto ito.

Muli ring nagpasalamat ang Pangulo kay Ruak dahil sa ganitong paraan aniya ay mapapadali ang pagpapauwi kay Teves para harapin ang mga ibinabatong akusasyon sa nasabing mambabatas. (GILBERT PERDEZ)