Advertisers
ITINATAG ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ang orihinal na Pinoy martial arts na SIKARAN noong Agosto 1998 sa lalawigan ng Rizal.
Sa panayam ng Uppercut sa premyadong martial artist na si GM Banaag,hindi maaring angkinin ng ibang indibidwal o organisasyon ang itinatag niya na puhunan ang dugo’t pawis, patriotismo, puso at resources upang ipalawig pa sa ibang lupain na ang Sikaran ay sariling atin at sa pagsisikap ay nakilala ito globally partikular sa Amerika at Canada.
Ang Sikaran ay may base sa Rizal at sa California kung saan ang gym ay nasa sariling Sikaran Bldg.sa Delano.
“May mga torneo tayong inoorganisa na tumutuklas ng mga potensiyal na kabataan at umuukit naman ng pangalan sa international martial arts ang mahuhusay nating adult Sikaran artists na nagbubunga ng respeto ng mga dayuhan sa tunay na Pilipino Sikaran martial arts.
Aniya,ang mga kumukuha ng kredito ng Sikaran ay wala namang kakayahan lalo sa pagkakaroon ng permanenteng tanggapan sa Pilipinas at sa USA,wala naman silang manpower kundi puro kamag-anak at di sila kinikilala sa international scene,” ani pa Banaag.
Ang father of Sikaran sa katauhan niya naglilingkod at kinikilala at ginagawaran ng awards mula sa international award giving bodies.
Dahil sa patuloy na paglawig ng programa para sa Sikaran, katunayan ay tatlong prestihiyosong awards ang tatanggapin ni Hari Osias sa taong ito. Sa Mayo 20 ay pararangalan sya bilang isa sa USA Hall of Fame sa larangan.
Sa Hunyo 2 ay gagawaran siya at ng itinatag niyang Global Sikaran Federation mula individual award bilang outstanding man sa pagpapalawing ng larangan ng martial arts globally sa Grand Okada Manila at sa Setyemre 16 ang Golden Gates Heroes award sa Central California.
Kaya kayong mga umaangkin sa Sikaran, magtatag na lang kayo ng bagong samahan ng martial arts.Iyong matatawag niyo na inyung- inyo kesa ankinin ang kredito sa Sikaran na di ninyo pinagpaguran.
Attention PSC,POC,maging si Senator Zubiri na isang arnis leader/ enthusiast…marapat na marahil kilalanin ang tunay na Sikaran.Hahakot ng medalya iyan para sa bansa…
ABANGAN!