Advertisers
ITINANGGI ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves, Jr. ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na uuwi siya ng Pilipinas nitong Miyerkoles, Mayo 17.
“Fake news,” sabi ni Teves sa isang panayam sa radyo. “Dapat tinanong muna nila ako bago sila nagsalita, di ba?”
Sinabi ni Remulla na mayroon itong reliable source na nagsabi na uuwi si Teves sa bansa ng May 17.
“You want a more reliable source? Sino bang reliable source, ‘yung source nila or ako?” sabi ng suspendidong mambabatas.
Tumanggi naman si Teves na magkomento sa kaniyang ‘asylum’ application sa Timor Leste.
“Tanungin mo nalang si Boying. Alam niya siguro ‘yun. Mas marami siyang alam sa akin,” dagdag pa ni Teves na ang tinutukoy si Remulla.
Iniuugnay si Teves sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Paulit-ulit naman itong itinanggi ng mambabatas.