Advertisers

Advertisers

Kris generous pa rin sa kaibigan kahit matagal na walang work at may sakit

0 153

Advertisers

Ni JULIE E. BONIFACIO

NATUWA ang marami sa latest picture ni Kris Aquino na ipinost ng kilalang make-up and hair stylist ng mga celebrity na si Bambbi Fuentes sa kanyang Facebook account recently.
She looks better kumpara sa mga larawan niya na lumabas sa socmed months back. Mukhang she’s on her way to full recovery kung iba-based sa hitsura ni Kris sa picture niya with Bambbi and her youngest son na si Bimby.
Caption ni Bambbi sa picture niya with Kris and Bimby on her FB post, “Finally reunited with beautiful inside and out @krisaquino and handsome Bim. Thank you for the love??????”
Si Bambbi ang isa sa mga pinakamatagal na make-up and hair stylist ni Kris. At kahit may kinukuhang iba si Kris, hindi nawala ang friendship nila ni Bambbi.
Walang duda na effective ang treatment ng Indian doctor na huling sumuri kay Kris sa Amerika. Hindi malayong makababalik na rin ng Pinas si Kris with her two sons.
At dahil d’yan, umapaw ang tuwa ng netizens na nag-post ng reaksyon nila sa comment section ng FB post ni Bambbi dahil sa pagbuti ng katawan ni Kris ngayon.
“Kris A looks good ? Let her know everyone is ??for her.”
“Sending love ? Happy to see you both together. Okay na si Kris praise God.”
“Pretty Kris A. glad that she’s recovering pretty well.”
Nagpunta sa Amerika si Bambbi para sa wake ng kanyang ina na namatay weeks ago. Sa US kasi nakatira ang ina ni Bambbi.
Kaya naman agad na dinamayan ni Kris si Bambbi by giving her free airplane ticket papunta ng US. And take note, business class pa ang binigay na ticket ni Kris for Bambbi.
Caption ni Bambbi sa picture niya habang nasa business class ng eroplano sa kanyang FB post, “Im soo greatful to have a great comforting generous friend in times of grief like @krisaquino who sponsored my PAL bussines class ticket to Los Angeles for my Mama Dearest wake on May 20th. Forever grateful for your love and kindness see you love you??????”
Ganyan ka-generous si Kris sa kanyang mga kaibigan kahit pa halos ilang taon na siyang walang work at nakaratay din sa sakit.
***
NALALAPIT na ang pagtatapos ng “The Voice Kids” nang ipakilala na ang final three young artists na sina Shane Bernabe, Xai Martinez at Rai Fernandez na maglalaban-laban sa matinding kantahan sa grand finals ngayong weekend (Mayo 20 at 21).
Nakatakdang kumatawan sina Shane, Xai, at Rai sa Kamp Kawayan ni Bamboo, sa Team Supreme ni KZ, at sa MarTeam ni Martin.
Nakakuha ng three-chair turn ang “Kiddie Pop Rockstar” na si Shane noong blind auditions dahil sa kanyang rendition ng “Dukha.”
Napahanga rin ng “Enchanting Siren” na si Xai ang mga coach dahil sa kanyang mala-anghel na boses noong battle rounds. Samantala, pinabilib ng “Emotional Balladeer” na si Rai ang mga manonood nang maluha-luha niyang inawit ang “Ikaw Ay Ako” noong sing-offs.
May kapangyarihan ang mga manonood na pumili ng grand champion sa pamamagitan ng pagboto sa joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang “The Voice Kids” ng isang (1) boto sa isang account lamang.
Sino ang magiging grand champion ngayong season? Alamin sa “The Voice Kids” lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7 pm) at TV5 (Saturdays simula 7 pm, Sundays simula 9 pm).