Advertisers

Advertisers

Matteo proud na ibandera, Sarah super sexy; Maja ayaw mangarag sa kasal

0 274

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PIHIKAN si Maja Salvador sa pagpili ng mga project na ibinibigay sa kanya.
Trulili na may mga offer kaso di muna gina-grab ni Maja ang.mga proyekto.
Ayaw na muna raw niya ng mga heavy projects like teleserye.
Kaya as possible ay mga light project lang ang tinatanggap ni Maja sa ngayon.
Nagre-ready na nga ito sa pagpapakasal kay Rambo Nunez this month of July.
Kung tatanggap man ito ng proyekto ay di muna mga teleserye na magdamagan ang taping.
Katuwiran ni Maja, di naman siya tumatanggi para i-grab ang project kungdi gusto raw nito na sa araw ng kasal niya ay fresh ang peg niya.
***
Matteo, may isiniwalat na natuklasan kay Sarah G
PROUD na mister si Matteo Guidicelli sa kanyang esmi na si Sarah Geronimo.
Sa pagsalang nito sa Fast Talk ni Boy Abunda ay marami itong tsinika regarding Sarah.
Bukod sa pagiging workaholic, loving at napakabait na misis ay ibinuking nito ang isang natuklasan ngayong nagsasama na sila ni Sarah.
Kahit nga si Boy ay excited na kung ano nga ba ‘yung natuklasan ni Matteo kay Sarah na di pa alam ng lahat.
Pabitin bitin pa si Matteo kung ano nga ba ang natuklasan nito sa kanyang asawa at all over the world pa nitong ipinagwagwagan.
Buong ningning ngang inihayag ni Matteo na ubos ng sexy pala ang kanyang asawa na si Sarah.
Wish din ni Matteo na soon ay magkaroon na sila ng anak ni Sarah.
Well, well, well…’Yun na!