Advertisers

Advertisers

Para may mag-alaga.. Lorna pinagdarasal kay Lord na magkaasawa ulit

0 189

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TINANONG si Lorna Tolentino sa isang panayam sa kanya, kung may balak pa ba siyang mag-asawa o magkadyowa uli.
Sabi ni LT, tulad ng ibang mga single na nangangarap ding magkaroon ng partner talagang ipinagdarasal daw niya na magkaroon ng mag-aalaga sa kanya pagdating ng kanyang pagtanda.
“Hindi ko naman pinaplano ‘yan pero ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko. Hindi mo naman maiiwasan ‘yan pero maalaga talaga ang Panginoon,” pahayag ng premyadong aktres.
At dahil nga madalas silang nagkakasama ng kapwa niya aktres na si Cherry Pie Picache na co-star niya sa “Batang Quiapo”, natanong din siya kung humihingi ba siya ng tip sa aktres na super happy ngayon sa piling ng kanyang dyowang si Edu Manzano.
“Kainggit naman blooming! Parang ang saya ‘di ba ng ganu’n, pero hindi okay lang kung anong ibibigay ni Lord,” sagot ni LT.
Samantala, markadung-markado na naman ang karakter ni Lorna sa “Batang Quiapo” bilang si Amanda Salonga.
Pagkatapos nga ng pinag-usapang role niya noon sa “Ang Probinsyano” ay sa “Batang Quipo” naman siya ngayon super kontrabida
Sabi ni LT, talagang pinabago ni Coco Martin ang kanyang itsura para sa “Batang Quiapo”.
“Sino ba nagpabago ng buhok ko? Hindi na tinatanggap ‘yung buhok ko kundi kulay black ever.
“Sabi niya, ‘My (mommy), subukan mong magpakulay ng buhok.’ Sabi ko, ‘Try ko ha kasi baka masira.’ ‘My, kailangan ganito, kailangan ganyan.’
“Siya nag-i-inspire sa iyo na mag-isip kung paano mo itsi-change ‘yung look mo. Dati kasi parang kung ano length ng buhok mo, pwede mong pabago nang kaunti, pwedeng ipa-blower, pwedeng may ibang style. Pwedeng may extensions, ‘di ba? Pero ‘yung tatatak sa iyo, itong haircut na ito,” aniya pa.
***
MAKALIPAS ang isang buwan mula nang mag-post si Kris Aquino sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang kalusugan at sa kanyang mga anak, nagbahagi uli siya ng developments hinggil sa kanyang health condition.
Ayon kay Kris, nagsimula na siyang uminom ng isang klase ng gamot para makatulong sa pagpapagaling ng kanyang mga iniindang sakit.
“Roughly 13 hours ago, I started my 1st ‘baby dose’ of methotrexate (para hindi na kayo mag google: Methotrexate is in a class of medications called antimetabolites,” simulang pagbabahagi ni Kris
Ayon pa sa monmy nina Bimby at Josh, ang naturang gamot ay nagpapabagal daw ng paglago ng cancer cells at maaari ring makagamot ng psoriasis at rheumatoid arthritis.
“Methotrexate treats cancer by slowing the growth of cancer cells. Methotrexate treats psoriasis by slowing the growth of skin cells to stop scales from forming. Methotrexate may treat rheumatoid arthritis by decreasing the activity of the immune system,
“I won’t bore you with the details but my chest CT scan showed scarring & micronodules in my right lung,” dagdag pa niya.