Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
MULA pa dekada sitenta ang labanan nina National Artist Superstar Nora Aunor and Star for all Seasons Vilma Santos, kung saan namayagpag ang kanilang career.
Ngayon, muling nabuhay ang kanilang rivalry dahil sa pahayag ni La Aunor tungkol sa nalalapit na botohan bilang National Artist.
Ayon kay Ate Guy, mas gusto niya raw maging NA si Lea Salonga dahil malaki ang naiambag nito sa showbiz industry at nakilala ito sa buong mundo nang gumanap sa lead role na Kim sa Miss Saigon in the West End and she won Best Actress in the Laurence Olivier Awards in the said musical play.
Dahil sa kakaibang pagganap niya sa nasabing International play, pinarangalan din siya ng prestigious Tony awards.
Wala namang pahayag si ate Vi sa sinabi ng Superstar pero nagreak ang Vilmanians at sinabi nila na malinaw na hindi niya iboboto ang kanilang idol..
Sinabi naman ng Noranians na ang pahayag daw ng kanilang idolo ay walang malisya pananaw na karapat-dapat bigyang pansin ang malaking naiambag ni Lea sa ShowbizWorld kung saan nakilala sa buong mundo ang talento ng mga Pinoy.
Kung natatandaan niyo, nuong napabilang si Miss Aunor sa nomination in NA, tatlong beses ito na-bypassed nuong panahon ni P-Noy dahil sa kinasasangkutan niyang problema nuong tumira siya sa America.
Ang pagpili sa National Artist ay dumadaan sa butas ng karayom, at ibinibigay ito every two years at pinag-aaralan ito nang husto ng NCCA, nire- research ito para hindi sila magkamali sa pagpili.
Dahil minsan na sila nagkamali nuong ibinigay nila ang nasabing award kay Direk Carlo Caparas na pinutakti sila ng questions kaya binawi nila ito at ibinalik naman ni Direk Carlo dahil ayaw niyang habang buhay raw siya kwestyunin.
Kaya sa Vilmanians, hayaan ninyong ang nasabing pamuan na mismo ang magpahayag kung sino ang karapat-dapat na bigyan ng “Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas”….Abaw Ah!!!
***
ANJO YLLANA NANININGIL DIN NG PAUTANG SA PRODU NG ‘EAT BULAGA’
WALA na yatang katapusan ang problema ng noontime show na Eat Bulaga, kung saan matapos magpahayag si Mayor Bullet Jalosjos na papalitan nila ang mga main host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, ng mga batang host ay nagreak ang tatlo na kung aalisin sila dadalhin nila ang buong Davarkads kasama ang production at lilipat ng ibang network.
Nuong una tahimik lang ang tatlo at hinayaan nilang magsalita ang kampo ni Jalosjos.
Pero nang hindi nila nagustuhan ang mga sinabi ng Mayor kinontra ito ni Tito Sen kung saan marami raw mali at gusto niyang itama.
Hanggang sa nahalukay ang tungkol sa talent fee na may Ilang taon na pala sila hindi nababayaran.
Sinabi nga ni Bossing Vic na buti na lang at na-media kaya agad siyang nabayaran pati si Joey.
Hindi lang pala itong tatlo ang naniningil sa pamunuan ng TAPE kundi pati pala sina Allan K, Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at iba pa.
Ngayon, isa-isa nang naglalabasan at idinadaan nila sa media para makarating sa pamunuan. Itong huli si Anjo Yllana naman ang nagpa- interbyu na sinabi na matagal na pala siyang naniningil pero hindi siya pinapansin bagkus ay sinabihan siyang patak patak muna.
Pero sinabi niyang minsan lang daw siya napatakan at matagal niya inaantay kung kailan ang susunod na patak…Abaw Ah!!!