Advertisers

Advertisers

2 puganteng Indians, matagumpay na nai-deport ng BI

0 142

Advertisers

MATAGUMPAY na naideport ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes ang dalawang puganteng Indians na wanted sa kanilang bansa sa dahil sa kanilang criminal activities.

Ibinahagi ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagkakakilanlan ng dalawang pugante na sina Amrik Singh, 34, at Hayer Amritpal Singh, 24 na naipatapon pabalik ng kanilang bansa via Thai Airways flight patungong Delhi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ang dalawa ay puntirya ng summary deportation order na inilabas ng BI Board of Commissioners nitong March matapos silang maikategorya bilang undesirable aliens.



Sila ay ineskortan ng mga ahente ng BI, pati na ng Indian law enforcement officers.

Si Amrik ay idineport matapos na mabatid na pumasok siya ng Pilipinas sa iligal na paraan at nagkakanlong ng isa pang puganteng Indian na wanted sa kanilang bansa dahil sa terrorist activities.

Si Hayer naman ay wanted din sa India dahil sa ilang kaso kabilang na ang violation of India’s unlawful activities prevention act. Siya rin ay iniimbestigahan sa kasong murder, at may warrant of arrest na inilabas laban sa kanya dahil violation of India’s arms act.

Sa pagpapatupad ng deportation, ibinahagi ni BI Warden Facility Chief Leander Catalo na nagtangka pang tumakas ni Hayer sa departure area, pero mabilis din itong napigilan ng mga operatiba ng BI.

“The deportation of these criminals is a significant step for the bureau in ridding our country of foreigners who abuse our hospitality,” sabi ni Tansingco.



“Fugitives hiding in the country will be arrested, deported, and blacklisted,” babala nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)