Advertisers

Advertisers

Gloc 9 masayang nakibahagi sa Summer Blast 2023

0 124

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISANG karangalan para sa rap icon na si Gloc 9 ang makibahagi sa isang pinakahihintay na event sa bansa ngayong summer: ang “Summer Blast 2023” ng NET25.
Katunayan, sobra siyang na-inspire sa crowd na nakiisa sa nasabing event.
“Masyadong masaya ang experience. Nakaka-overwhelm ang dami ng crowd,” aniya. “Maraming salamat sa pagmamahal at sa lahat ng nanood,” dugtong niya.
Ayon pa kay Gloc 9, looking forward daw siya sa marami pang makulay na event ng network tulad ng “Summer Blast 2023”.
“Nakaka-inspire lang ang reception ng crowd. Sana mas marami pang ganitong okasyon. Hanggang sa muli,” sambit ni Gloc-9.
Noong nakaraang buwan lang ay nag-release ang OPM rapper ng kanyang latest single na “Buhat.”
“Napapanahon ang universal na tema nito. “Love conquers all. And I hope to do more stuff like this,” sey niya.
Sa ginanap na “Summer Blast 2023”ng NET-25, nakilahok din ang Pinoy pop rock band na “Silent Sanctuary” na nagpasikat ng mga kantang “Ellipsis of the Mind,” Fuschiang Pag-ibig”, “Langit: Luha”at iba pa.
Hindi rin nagpahuli sa kanilang production numbers ang mga bandang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse at Goodwill at ang up and coming singer na si Noah Alejandre.
Lumutang din ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang ‘Uhaw’ na ang naging treat ay sakto sa init ng tag-araw.
Nagpasaya rin sa fans ang NET25 artists tulad ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph, Jenny Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos.
Present din ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mga mamamahayag na sina Ali Sotto at Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo at Kada Umaga host Tonipet Gaba.
Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.
Nag-enjoy rin ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement.
Pinilahan ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue. Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25.
Abangan ang detalye sa social media platforms ng istasyon. Sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast.
Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.