Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SINABI ni Gabbi Garcia na “most mature” role niya ang karakter ni Alexandra na ginampanan niya sa upcoming series na “Unbreak My Heart,” na katambal si Joshua Garcia.
Katunayan, sumailalim pa sila sa tinatawag na “sensuality workshop.” Hindi kaya nagselos ang kanyang nobyong si Khalil Ramos?
“In a [sensuality workshop], you get to be vulnerable [with your scene partner] without violating each other,” paliwanag ni Gabbi sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Huwebes, kaugnay sa paghahanda na ginawa nila sa naturang proyekto.
Sa sensuality workshop, ipinapaalam ng aktor sa kanyang kapartner kung saan lang siya komportable kung may gagawin silang intimate o kissing scenes.
“There’s openness and safe space for you to tell your partner na, ‘Ito lang ‘yung comfortable ako,'” paliwanag niya.
Malaki umano ang naitutulong ng naturang workshop sa paghahanda ng aktor sa karakter na kanilang gagampanan.
Nagpasalamat naman si Gabbi na hindi seloso ang kanyang nobyo na si Khalil.
“Number one hindi seloso si Khalil talaga. I’m grateful for it, I’m really, really grateful for it because he understands,” sabi ng aktres.
“He’s also an actor, he’s a very good actor. So he really understands, and ‘yun ‘yung isa sa mga pinakamaswerte ako and I’m really, really blessed because never siyang naging conflict sa relationship namin at all,” patuloy niya.
Kahit na nag-uusap pa rin sina Gabbi at Khalil tungkol sa mga ginagawa nilang proyekto, hindi na sila nagtatanungan kung mayroon pa silang kissing scenes.
“‘Oh we have this scene with this partner. This is the goal of the scene.’ ‘Okay. Alright.’ That’s it. Tapos na, end of story. We don’t even tell each other na ‘O may kissing scene kami today,’” paliwanag niya.
‘The One’
Para kina Gabbi at Khalil, sila na ang ‘the one’ para sa isa’t isa.
“Halimbawa if I were to ask you today, is he the one you want to live for the rest of your life?” tanong ni Tito Boy.
“Yes. Yes of course. As in no questions. No doubts,” anang dalaga.
Anim na taon na ang relasyon nina Gabbi at Khalil, at nagtambal na rin sila sa TV series na “Love You Stranger.”
Kasama nina Gabbi at Joshua sa “Unbreak My Heart,” sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, na collaboration project ng GMA Network, ABS-CBN, at Viu Philippines.
Mapapanood ito simula sa May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies at maging sa GTV.
***
ISANG inspiring na kuwento tungkol sa kapalaran ang matutunghayan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
May tao ba talagang may kakambal na malas?
Iyan ang kuwentong bibigyang-buhay ni Kapuso actress Mikee Quintos sa episode na pinamagatang “Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story.”
Gaganap si Mikee bilang Mariel na mas kilala sa palayaw niyang Lala, babaeng ipinanganak sa malas na petsa na Friday the 13th.
Dahil kakaiba ang petsa ng kanyang birthday, tila laging may nakabuntot na malas sa kanya.
Tuwing isasasama siya ng kanyang tatay as pangingisda, wala silang naiuuwing huli. Nagsara din ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Lala.
Pero parang dadapuan siya ng suwerte nang magustuhan siya ng Australian na si David. Willing itong pumunta at manirahan sa Pilipinas para lang makasama siya.
May pag-asa pa bang mawala ang kamalasan ni Lala?
Abangan ang kakaibang kuwentong ‘yan sa brand new episode na “Unlucky Girl: The Mariel Larsen Story,” ngayong May 20, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.