Advertisers

Advertisers

NBA: Heat tinusta ang Celtics para sa 3-0 series lead

0 124

Advertisers

UMISKOR si Gabe Vincent ng career-high 29 points, Duncan Robinson nagdagdag ng 22 para tulungan ang eight- seeded Miami Heat sa isang hakbang nalang bago marating ang NBA finals matapos pagulungin ang Boston Celtics, 128-102, Linggo ng Gabi ( Lunes sa Manila) sa Game three ng Eastern Conference title series.

Caleb Martin nagtala ng 18, Jimmy Butler nagtapos ng 16,Bam Adebayo may 13 at Max Strus nagdagdag ng 10 para sa Miami, na nangunguna sa series 3-0. Bawat team sa NBA history na nagwagi sa first three games ng best-of-seven sa huli ang nagtatagumpay; Ang Heat ay 3-0 sa ganyang sitwasyon.

Jayson Tatum umiskor ng 14 at Jaylen Brown nagdagdag ng 12 para sa Celtics, na nagwagi ng tatlong beses sa sahig ng Miami.



Grant Williams at Payton Pritchard nag-ambag ng tig-12 para sa Boston. Ang Game four ay sa Martes sa Miami.

Ang NBA Finals ay magsisimula sa Hunyo 1, Ibig sabihin ang liga ay tatakbo ng ilang araw na walang laro. Ang Western Conference finals ay puwedeng matapos ngayong Martes; Nangunguna ang Denver sa series laban sa Los Angeles lakers 3-0. Ang Eastern finals ay puwedeng matapos sa Miyerkules.