Advertisers

Advertisers

Ex-NPC prexy bagong PTFoMS executive

0 149

Advertisers

ITINALAGA ni Pangulo Ferdinand Marcos, Jr. ang dating pangulo ng National Press Club (NPC) bilang bagong executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Cheloy Garafil na inaprubahan ng Pangulo ang appointment ni Paul M. Gutierrez noong Mayo 19, 2023.

Si Gutierrez ang kasalukuyang kalihim ng NPC at nagsilbi ng dalawang termino bilang pangulo ng pinakamalaking samahan ng mga aktibong mamamahayag sa bansa. Siya ang ikatlong pangulo ng NPC na naitalaga sa gobyerno sa nakaraang walong taon, sumunod kina Benny Antiporda, at Joel Sy Egco na papalitan niya sa puwesto bilang PTFoMS executive director.



Itinatag ang PTFoMS sa bisa ng Administrative Order No. 1 Oktubre 14, 2016 sa ilalim ng administrasyong Duterte na may layuning tiyakin ang buhay, seguridad, at kaligtasan ng lahat ng kasapi sa sektor ng media sa bansa.

Bagaman nasa ilalim ng Office of the President, si Gutierrez ay mag-uulat kay Sec. Garafil at Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, sang-ayon sa probisyon ng AO-1.

Si Gutierrez ay isang field reporter at kolumnista ng Journal Group sa nakaraang higit na dalawang dekada at kinatawan ng NPC sa task force sapul pa 2016.

Tiwala si Sec. Remulla na ang malawak at mahabang karanasan ni Gutierrez ay makatutulong sa patuloy na pagnanais ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad ng media sa bansa.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Gutierrez sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pang. Marcos at sa desisyon nitong ipagpatuloy ng PTFoMS ang mandato nito.



“I am honored for the appointment and the trust and confidence bestowed on me by Pres. Marcos Jr.

“His decision not to abolish the PTFoMS and instead allow it to continue with its mandate of protecting the right to life, liberty and security of all media workers speaks strongly of his and his administration’s commitment to a free and responsible press in our country,” sabi ni Gutierrez. “Rest assured that the PTFoMS shall do its part to deliver on our people’s expectation.”