Advertisers

Advertisers

AMLC kailangan sa pag-imbestiga sa anti-drugs police

0 157

Advertisers

KAILANGAN ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pag-iimbestiga sa mga pulis na isinasangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa bank history kasi makikita kung kani-kaninong bank account nagde-deposit ng pera ang isang akusado, at malalaman din dito kung kailan at kung gaano kalaking pera ang pumapasok sa bank account nito.

Pero kailangan kasuhan muna ang isang tao at hilingin sa korte na hingin sa AMLC ang rekord ng bank transactions ng isang akusado.



Sabi ng bagong direktor ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si Brigadier General Faro Antonio Olaguera, iimbestigahan nila lahat ng pulis lalo ang mga opisyal ng anti-drugs unit na sangkot sa illegal drug trades partikukar ang mga sabit sa P6.7 billion halaga ng droga na nasamsam sa lending office ng sinibak nang anti-drug operative na si Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Lahat ng pulis sa anti-drugs ay ni-recall na sa PNP Headquarters, habang ang ipapalit sa mga ito ay dadaan naman sa butas ng karayom.

Kapag kumilos ang AMLC sa drug case na ito ng mga pulis sa PDEG, malalaman kung sino-sino sa mga ito ang mga naging multi-millionaire sa pagre-recycle ng mga huling droga, at hindi na nila ito maide-deny pa! Mismo! Just do it, BGen. Olaguera, Sir!

***

Nasunog nitong Lunes ng umaga ang iconic post office building sa Lawton, Maynila. Sa pagkasunog na ito, malamang matuloy na ang matagal nang plano sa gusaling ito na gawing hotel! You know!!!



Ang naturang post office ay itinayo noong panahon pa ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Napakaganda ng lugar na ito, landmark ng Maynila. Dito nagtitipon ang mga nagrarali. Dito rin nakaparada ang mga kolorum na biyaheng Paranaque, Cavite at Laguna.

Malaking kawalan sa mga taga-Manila City Hall na may hawak ng kolorum kapag naging pribado ang Plaza Lawton. Araguy!!!

***

Nagsimula na ang kagatan ng mga dating magkakampi sa politika. Dahil daw ito sa 2028 Presidential elections.

Si dating Presidente ngayo’y Pampanga Representative Gloria M. Arroyo ay sinipa sa pagka-Senior Deputy Speaker, ipinalit ang kababayan din nitong si Rep. Dong Gonzales.

Natunugan daw kasi ng mga balimbing na mambabatas na balak agawin ni Gloria ang pagka-House Speaker kay Martin Romualdez, ang pinsan ni Pres. Bongbong Marcos, Jr.. Bagay na pinasinungalingan naman ni Gloria.

Pero si Gloria kasi ay may history nang mang-aagaw ng kapangyarihan. Hehehe… Remember nang ikudeta niya si noo’y House Speaker Bebot Alvarez?, maliban pa ka Da King? Ehek!

Sa pagkasipa kay GMA, kumalas naman sa pagka-chairperseon ng Lakas-CMD si VP Sara Duterte, nakisimpatya kay GMA. Si GMA kasi ang trumabaho para maging pangulo noon ang ama ni Sara at sa pagka-VP din niya. Mismo!