Advertisers

Advertisers

MGA PULIS-PASAY ISINUMBONG NG ISANG VENDOR SA PNP-IMEG

0 433

Advertisers

Makaraang magreklamo sa inyong lingkod ang isang ambulant vendor na kinikikilan ng ilang pulis-Pasay na nakatalaga sa PCP 1 ng nasabing lungsod ay binuweltahan ito ng isang pulis na nagngangalang MIRANDA para tikitan dahil sa illegal vendor violation.

Ayon sa pahayag ng biktima, nagtitinda siya ng “pares” sa FB Harrison street malapit sa templo ng mga Intsik dahil na rin sa nag-avail siya ng livelihood assistance program mula sa barangay na nakakasakop sa lugar na kanyang pinagtitindahan.

Ayudang proyekto ito ng nasabing barangay sa kanila (maliliit na vendors) na apektado ng pandemya.



Ayon pa sa nagrereklamong vendor,makaraang lumabas sa pahayagan ang tangkang pangongotong sa kanya ng isang alyas CESAR at sinasabing utos ng isang pulis na si ADEL, isang police vehicle ang pumarada sa harap ng kanyang puwesto at agad siyang kinompronta at sinigawan.

“Nakarating sa prisinto hinihingian ka ng pulis namin, sinong pulis ba nanghihingi sayo?.Titikitan kita ngayon”!
Nang sabihin ng kaawa-awang vendor na tatawagin nito si Kapitana, sinabi ng pulis na si MIRANDA na di na kailangan mas marunong pa si kapitan sa amin, na tila wala siyang pakialam sa barangay sabay sabing gusto mo pa wrecker ko yang paninda mo?

Ayon pa sa vendor, di umano nakakasagabal sa daloy ng trapiko ang kanyang puwesto at ito ay nasa gilid lamang ng Templo ng Intsik at inner street na nasasakupan ng nasabing barangay at may permiso mula dito.

Side car umano ang kanyang maliit na tindahan kung kaya’t di ito permanenteng nakapuwesto sa nasabing lugar at umuuwi din ito sa gabi.

Ang pangha-harrass na ito sa nasabing pares vendor ay matapos na hindi ito magbigay ng lingguhang timbre na hinihingi sa kanyan ng isang alyas CESAR na umano’y kolektor ng Pasay PCP1.



Ayon pa sa nagrereklamo, umaabot sa anim na daang piso (600) ang lingguhang timbre na kinukulekta sa mga kagaya niyang pares vendors na nasasakupang ng PCP1.

Nananawagan tayo mismo kay PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) chief, General Ronald Lee na pasadahan ang mga pulis-Pasay na ito at kanilang mga bagmen na nahirati nang mangotong sa mga kaawa-awa nating vendors d’yan sa nasabing lungsod.

Kailangang masampolan Gen. Lee ang mga patay-gutom at buwayang ito na naka-police badge!

Di madadala ang mga ito hanggang di naiindulto.

Pati na rin ang mga civilian desinated “tong collectors” ng mga ito kung saan isa na nga dito itong si alyas CESAR KUPAL!

Hindi po ata naniniwala ang mga miyembro ng Pasay City Police Force na ‘dead serious’ ang inyong tanggapan Gen. Lee sa inyong mandate na linisin ang hanay ng PNP mula sa mga bulok na miyembro ng pambansang kapulisan.

Nahirati na po kasi silang maging masiba sa intelihensiya at pangongotong.

Wala ng piniliping tao o sitwasyon.

Mga walang habag!

Kakainin na lamang ng kanilang kapwa ay inaagaw pa sa bibig ng mahihirap nating kababayan.

Pasay City Police chief, Col. Erickson Dilag, galaw-galaw naman d’yan sir!

‘Wag lang pakuyakuyakoy d’yan sa opisina mo!

Kailangan pa ba ang IMEG ni General Lee para maaksyonan ang reklamong ito ng mga vendors ng Pasay laban sa mga timawa mong pulis?

Kailangan pa bang magkahiyaan Col. Dilag sir?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com