Advertisers

Advertisers

Purdoy na Pinoy bibigyan ng food stamp

0 165

Advertisers

Pinag-aaralan ng gobyerno na magtatag ng food stamp program para sa mga pinakamahihirap na Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng partnership sa Asian Development Bank (ADB).

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang programa ay naunang iminungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan.

Ikinagulat ng Pangulo na wala pa palang ganitong programa sa Pilipinas na matagal ng ginagawa sa ibang mga bansa at epektibong natutulungan ang mga mahihirap na sektor.



“One of the things that is in the pipeline, that is being developed, that is going to be of great assistance to our people is a proposal by the DSWD for a food stamp program, which I’m surprised that we have never had, but it is something that we can see that has been effective in other countries,” anang Pangulo.

Malaking tulong aniya ang food stamp program sa sandaling maipatupad ito dahil maraming mahihirap na mamamayan ang makikinabag at matutulungan ng pamahalaan.

Ang konsepto ng food stamp na epektibo sa ilang bansa gaya ng Amerika  ay ang pagbibigay ng nutritional support sa mga pamilyang nasa kategoryang low paid gayundin sa low income older adults, mga taong may kapansanan na may fixed income at households na may mababang income.