Advertisers

Advertisers

Maricel idiniin, pikon sa mga tanga

0 143

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA interview ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, sinabi ni Maricel Soriano na iba ang disiplinang natutunan niya sa mga veteran stars tulad nina Charito Solis, Dolphy, Nida Blanca, atbpa.
Katunayan, natutunan daw niya kung paano rumespeto sa mga matatanda noon.
Iyon din daw kasi ang itinuro sa kanya ng kanyang mahal na ina.
Kapag daw dumarating siya at umaalis sa set ay nakasanayan na ang pagbati at pagpapaalamanan sa mga katrabaho na iba na kumpara sa henerasyon ngayon.
Kung may reputasyon man siyang mataray, ito raw marahil ay sa pagiging totoo lang niya at prangka sa sarili.
Pikon din daw siya sa mga tanga at ayaw niya iyong nagpre-pretend na nakakaintindi pero hindi pala gets ang kanyang sinabi.
Never pa raw naman siyang nabastos ng mga baguhang artista pero naka-witness na raw siya ng ibang veteran actors na dinadaan-daanan lang ng young stars
Para sa kanya, hindi raw uso na siya ang nag-aadjust sa millennials o GenZ.
Kahit daw sa mga anak niya ay patakaran niya ito.
Imbiyerna rin daw siya sa mga hindi nakikinig ng instructions otherwise tinitikis daw niya ang mga ito.
Aminado rin siyang may mga pagkakataong napapalakas ang sampal niya sa kaeksena.
Nangyayari raw ito kapag nadadala siya sa eksena.
May pagkakataon nga raw na minsan ay may nasampal siya at base sa reaksyon ng sinampal ay muntik na siyang palagan.
Ipinaalala lang daw niya sa kaeksenang wala itong karapatang magalit dahil may kailangan ito sa kanya at nakikiusap lang ito sa kanya.
Dagdag pa niya, ipinaliwanag din daw niya sa kaeksena na nakatikim ito ng sampal dahil sa katabilan ng dila nito kaya di dapat na inilalabas nito ang tunay na ugali.