Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAKAPANAYAM ni Ogie Diaz ang award-winning actress na si Maricel Soriano sa kanyang YouTube vlog. Sa tanong ng una sa huli kung anong dahilan at naisipan na rin ng Diamond Star na pasukin ang pagba-vlog, ang sagot ni Maricel, ang kanyang mga tagahanga ang dahilan.
Sabi ni Maricel,“Because they (fans) don’t get to see me anymore, dahil wala na tayong mga pelikula ngayon masyado, dahil hindi okay ang ano (kita) ngayon ng takilya,” sabi ni Maricel.
Patuloy niya,”Tapos sila (fans) lagi silang nandiyan na ang daming nire-request na ‘sana naman Inay makita ka namin sa ganito, sa ganyan. Maliligalig. Alam mo naman ang mga batang maliligalig ‘di ba?”
“So ‘yung akin para matahimik din sila at nakikita nila ako at the same time habang ginagawa ko ito (vlogging) marami akong natutunan sa mga ini-interview kong mga tao. Na-excite na rin ako na gusto ko na rin.”
At ang na-realize raw ni Maricel sa vlogging, “Susugod ka sa kung anu-anong mga lugar at saka hihintayin mo (interviewee), pero in fairness wala naman akong masyadong hinintay, maaga sila.”
Sa tanong ni Ogie kay Maricel kung sino sa mga local stars ang bet niyang ma-interview sa kanyang vlog, ang sagot niya,“May mga bagets akong gusto kagaya ni Enchong (Dee) kasi mahusay siyang umarte, tuwang-tuwa ako hindi pa kami nagkaka-trabaho. Tapos si Joshua (Garcia). Gusto ko siyang ma-interview napakabait ng batang ‘yun.”
Kamakailan ay na-interview ni Maricel ang ex-husband niyang si Edu Manzano.
Klinaro niya na noong nag-interbyuhan sila ay walang nanumbalik na anuman. Naalala lang niya ang kanilang mga nakaraan.
“Walang nanumbalik kasi kami ni Edu bago naging kami, magkaibigan kami. Kaya may fallback ‘yung aming relationship as husband and wife, meron kaming tinatawag na friendship.
“Nung naghiwalay kami, okay kami. Hindi kami nag-away, magkaibigan kami,” tsika nito kay Ogie.
After makipaghiwalay kay Edu, hindi pa ulit pumapasok sa isang relasyon si Maricel.
Pero bukas pa naman daw ang pintuan niya sa mga gustong magparamdam sa kanya.
“Open naman kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello.’ Kung mati-take nila (ugali ko), e, di winner ka. Pero pag hindi, umuwi ka na!” diretsong pahayag ni Maricel
Samantala, napag-usapan ang mga ilang baguhang artista ngayon na walang paggalang sa senior stars bagay na ikinalulungkot nila.
Pero si Maricel ay dedma sa mga baguhang walang respeto at naka-witness na siya.
“Nakakita ako ng ganu’n pero hindi ako ang ginano’n. Kung baga nasaktan din ako kapag nakakakita ako ng mga ganu’n na hindi man lang nagbigay pugay.
“Kami kasi pudpod ang lips namin sa kahahalik (mas senior sa kanila) kasi iyon ang training namin. Nakagisnan namin iyon na magbigay pugay ka. Kahit nasa dulo pa ng anu yan (puwesto ng senior star) pupunta ako ro’n, ‘tita nandito na po ako, ako po si Marya.’
“Sa panahon ngayon ng mga bagong artista, sinabi ko sa sarili ko, ayaw kong ma-stress sa ganyan.
“Number one, hindi ko naman kayo kilala bakit ko naman i-istresin ang sarili ko, di ba?
“Now if you come to me and tell me who you are then I will entertain you. But if you’re not coming to me and and say ‘hello’, e, di wala ka ring mapapala sa aking ‘hi.’
‘Wag nang dibdibin (mga walang galang), hindi worth it. Mga bata ‘yang mga ‘yan hindi nila alam ang ginagawa nila,” aniya pa.