Advertisers

Advertisers

WALANG LITSON? KULANG ANG SELEBRASYON!

0 141

Advertisers

Pakiwari ng karamihan na kung walang handang litson ay kulang ang selebrasyon tulad sa METRO MANILA na dinadayo ang lugar ng LA LOMA, QUEZON CITY upang maging kumpleto ang mapagsasaluhan sa anumang okasyong ipagseselebra.

“Hindi kumpleto ang birthday, graduation, anniversary, o binyag kung wala ang lechon. Kaya dito sa ating lungsod, ibinibida at ipinagmamalaki natin ang “star” ng mga selebrasyong ito,” pahayag ni QC MAYOR JOY BELMONTE sa naging pagdiriwang ng LECHON FESTIVAL sa LA LOMA, QC nitong nagdaang araw ng Linggo.

Yun nga lang.., halos 3-taon na mistulang nagtika ang mga taga-METRO MANILA dulot ng COVID-19 PANDEMIC ay hindi magawang makapaglagalag at makapagdaos ng anumang okasyon dahil sa mga ipinairal na LOCKDOWN na bahagi ng HEALTH PROTOCOLS upang maiwasan ang pagkalat o hawaan ng mga virus.



“Simula 2000, tuwing ikatlong Linggo ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang Lechon Festival dito sa La Loma. Sa kasamaang-palad, pansamantala itong natigil dahil sa pandemya. Kaya naman ngayon, ginawa nating mas makulay, mas bongga at mas masaya ang ating selebrasyon sa Lechon Capital of the Philippines,” saad ni Mayor Joy Belmonte.

Natapos na ang COVID-19 PANDEMIC kaya muling isinagawa ng QC GOVERNMENT ang kinasabikang LA LOMA LECHON FESTIVAL na siyempre pa ay naroon din si QC DISTRICT 1 REPRESENTATIVE ARJO ATAYDE gayundin ang kaniyang mga staff at ang mga bumubuo ng LA LOMA LECHONEROS ASSOCIATION (LLA)

Bunsod nito, ang selebrasyon nitong nagdaang Linggo ay itinampok ang magarbong parada ng mga Lechon.., itinampok ang iba’t ibang ulam mula sa lechon at iba pang mga programang ikinasaya kabilang na ang symphonic band na nasaksihan ng QCitizens.

“Maituturing nating haligi na ng mayamang kultura ng Quezon City ang La Loma. For 50 years, hindi maikakaila na isa ito sa mga pinaka dinarayong destinasyon sa QC at sa buong Metro Manila,” paghahayag ni QC TOURISM DEPARTMENT OIC MA. TERESA TIRONA.

Mga ka-ARYA.., ang LA LOMA LECHON FESTIVAL ay unang ipinagselebran ng QC GOVERNMENT noong taong 2000 nang ang dating LLA PRESIDENT na si MONCHIE FERREROS (MONCHIE’S LECHON) ay pasimulan nito ang pagdaos ng PARADA NG MGA LECHON.



Ang pinasimulang PARADA NG MGA LECHON ay sinuportahan ng QC GOVERNMENT noong taong-2002 sa administrasyon noon ni dating CITY MAYOR FELICIANO “SONNY” BELMONTE sa pamamagitan ng CITY ORDINANCE 1221-2002.

Noong 2020, sa pamamagitan ng CITY ORDINANCE 2961-2020 ay opisyal na idineklara ng QC GOVERNMENT ang LA LOMA DISTRICT bilang Isa sa TOURISM DISTRICT sa kanilang lungsod para makahikayat ng mga turista at mapasigla ang kanilang economic activity!

***

PERYANTENG JESS NAKA MONTERO SA LITEX, QC SAKALAM!

Napakaramng nag-iemail sa ating kolum patungkol sa PERYA OPERATOR na nagngangalang JESS NAKA MONTERO.., mga MAGULANG ang nagsusumbong sa kolum nating ARYA.

Hindi ko na sana papansinin ang mga info na to kay JESS NAKA MONTERO dahil bihirang bihira akong tumalakay ng ganitong paksa.., yun nga lang, marami ang nag-iemail e baka magtampo naman itong mga ARYA FOLLOWER natin hehehe.., e baka mabawasan ng mga tagasubaybay kaya pansinin na natin to.

Ni-raid na raw ang peryahan nito ng QCPC STATION 6 pero pinakawalan din sa hindi malamang presyo… este, sa hindi malamang dahilan kung sinampahan ba ng kaso o nakuha sa magandang usapan hehehe.., e tuloy ang peryahan na dinudumog ng mga kabataan ang PERGALAN. Hindi man lang daw pagbawalan ang mga bata (siyempre dagdag kita ng PERGALAN yan hehehe).

Ayon sa nagrereklamong mga magulang ay protektado raw ng BARANGAY CHAIRMAN ang puwesto ni JESS sa LITEX ROAD at MANGGAHAN, COMMONWEALTH, QC kaya nagugumon sa sugal ang mga kabataan.., na ipinangangalandakang hanggang NCRPO ay protektado raw ang PERGALAN..,wowww, alam kaya ito ng mga kinauukulan o baka ginagamit lang sila ng mga nagpa-pakilalang KOLEKTOR ng BARANGAY o ng STATION 6.., o ng NCRPO?

Sa mga nag-iemail ay maaari po bang simplehan ninyong mavideo o malitratuhan ang mga KOLEKTOR hehehe para ibalandra natin sa SOCIAL MEDIA!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.