Advertisers

Advertisers

Curfew sa kabataan higpitan

0 193

Advertisers

MABUTI naman at nagising ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) para muling higpitan ang curfew laban sa mga kabataan na hating-gabi na’y pakalat-kalat pa sa lansangan.

Oo! Inanunsyo ng MPD na mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga ay magpapatupad sila ng curfew laban sa mga kabataan, matapos magkaroon ng riot ang mga kabataan sa may Tambunting St., Sta Cruz, Manila.

Actually hindi lang sa Tambunting madalas ang riot ng mga kabataan, maging sa Tondo 1 ay palagi ang rambulan ng mga kabataan, gayundin sa Sampaloc.



Hindi kasi dapat nagre-relax sa curfew ang pulisya, considering na mayroong mga umiiral na ordinansa ng local government sa minors, edad 18 anyos pababa.

Kung hindi ako nagkakamali, mayroon ding direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa curfew sa mga kabataan.

Pero ipinagbabawal sa batas na parusahan o ikulong ang mga kabataang nahuhuli sa curfew. Dapat kostudya lang hanggang umaga.

Sa Manila City Ordinance, pananagutin ang magulang ng minors na edad 15 to 17 years old ng P2,000 o kaya’y 1 month imprisonment.

Kung ang edad ng minor ay 13 to 14 years old, ang multa ay P3,000 o pagkakulong ng 3 buwan.



At sa mga edad 12 anyos pababa, ang multa ay P5,000 o kaya’y anim na buwan na pagkabilanggo.

Para sa akin, dapat parusahan din ang barangay na nagpapabaya sa pagpapatupad ng City Ordinance sa curfew. Oo! Dahil isa sa mga pagunahing trabaho ng barangay ay ang pangalagaan ang peace and order. Dapat pagpitik ng orasan sa alas-10:00 ng gabi ay wala nang minors na gumagala sa mga kalye ng barangay. Sa ganitong oras ay dapat nasa loob na ng mga bahay ang mga bata at nagpapahinga lalo kapag may pasok sa eskuela.

Hindi kakayanin ng bilang ng mga pulis ang manghuli nang manghuli ng mga minor na lumalabag sa curfew. Dahil ubod narin ng tuso ang minors, kapag may nakitang papalapit na mga pulis, papasok sila sa bahay. Pag lagpas ng mga pulis, lalabas uli at mag-iingay sa kalye. Mismo!

Dapat ang barangay ang magdisiplina sa kanilang constituents. Ano ang ginagawa ng mga barangay tanod nila kung hindi mag-iikot at manghuli ng mga lumalabag sa curfew?

Dapat magsalita narin dito si DILG Secretary Benhur Abalos. Dahil mukhang nakakalimutan na ng barangays ang pagpatupad ng curfew sa minors.

Sec. Abalos, gising!

***

Ilang buwan nalang ay filing na ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa Barangay at SK elections sa Oktubre.

Yung mga reelectionist dyan maging aktibo na kayo para mahalal uli. Umikot kayo sa gabi para sa pagpatupad ng curfew sa minors. Dahil nagiging perwisyo na ang mga pasaway na kabataan, ang gugulo sa gabi. Istorbo sa mga nagpapahingang manggagawa. Mismo!