Advertisers

Advertisers

44 DATING REBELDENG KASAPI NG CFO AT CTG, NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO

0 272

Advertisers

UMABOT sa 44 dating kasapi ng Communist Front Organizations (CFO) at Communist Terrorist Groups (CTG) ang nagbalik-loob sa gobyerno matapos ipangako ang kanilang katapatan sa Republika ng Pilipinas sa pamamagitan nang boluntaryong pagsuko ng kanilang matataas na kalibre ng baril at rifle,gayundin ang pagpunit ng tatlong bandila ng komunistang grupo.

Ang nasabing ‘withdrawal of allegiance’ ng 27 dating miyembro ng CFO at pagsuko ng 17 aktibong kasapi ng CTG at sinaksihan ni Regional Peace and Order Council (RPOC) Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora sa pamamagitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni NCRPO Regional Director, PMGen Edgar Alan O Okubo, araw ng Martes (Mayo 30) sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan,Taguig City.

Isang pormal na programa ang ipinagkaloob sa mga dating rebelde para salubungin ang kanilang ‘kalayaan’ kung saan kabilang sa mga nakabalik na indibidwal ay pito (7) mula sa grupong “KDAMAY”, lima (5) mula sa “Alyansa ng mga Manggagawang Pilipino,” dalawa (2) mula sa “Baseco People’s Alliance,” pito (7) mula kay “Gabriela ,” anim (6) mula sa “Anakpawis,” isa (1) mula sa kategoryang “Ganap na Kasapi,” isa (1) mula sa “34th Front,” isa (1) mula sa “Sandatahang Lakas pang Propaganda at Sentro de Gravedad ,” at isa (1) mula sa “8th Front.” Bukod dito, mayroong limang (5) miyembro mula sa “Bagong Hukbong Bayan,” dalawa (2) mula sa “Sangay ng Partido sa Lokalidad,” isa (1) mula sa “Larangang Uno Komiteng Probinsiya,” dalawang (2) miyembro ng “Bagong Hukbong Bayan S4-Squad Caloy,” isang (1) miyembro ng “SR SOG SL NEMAC,” at dalawang (2) Secretaries mula sa “KADAMAY.”



Bilang patunay ng kanilang katapatan sa gobyerno, boluntaryong isinuko ng mga nagbabalik na indibidwal ang kabuuang labing-isang (11) armas sa NCRPO, kabilang ang tatlong (3) improvised home-made shotgun, tatlong (3) .357 caliber revolver, dalawa ( 2) M16A1 rifles na walang attachment, isang (1) AK47 rifle, isang (1) M14 sniper’s rifle, at isang (1) M16A1 rifle na may M203 grenade launcher attachment.

Ang matagumpay na pagbabalik ng ating mga kababayan ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng mga puwersa ng pulisya at militar sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila at mga karatig rehiyon. Ang NCRPO, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Special Action Force (SAF), PNP Intelligence Group (PNP IG), at Joint Task Force NCR (JTF NCR) ay nagtulungan bilang bahagi ng isang whole-of-nation approach upang wakasan ang insurhensya, ayon sa ipinag-uutos ng Executive Order No. 70, na nagpapalakas sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Habang nasa ilalim ng pangangalaga ng NCRPO, ang mga dating miyembro ng CFO at CTG ay sasailalim sa medical evaluation, livelihood training at iba pang aktibidad upang matulungan silang makabalik sa normal na pamumuhay.

Gagabayan din sila sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para ma-access ang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Programs (E-CLIP) at iba pang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng mga bagong pagkakataon para sa mga nais bumalik.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Undersecretary Alan A. Tanjusay ay nagbigay ng grocery/food package at maglalaan ng livelihood assistance sa kanilang lahat.



“Ang kanilang pagtalikod sa katapatan sa mga makakaliwang grupo at ang kanilang buong pusong pagyakap sa tunay na diwa ng demokrasya at pagkakaisa ay isang makabuluhang hakbang tungo sa isang mapayapa at maunlad na bansa para sa lahat.” ayon kay Okubo. (JOJO SADIWA with photos by CESAR MORALES)