YULO AT GAP SA ASIAD DAPAT ANG POKUS KAYSA WORLD C’SHIP
Advertisers
NINANAIS ng Philippine Olympic Committee (POC) kay Carlos Yulo at sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na i- prioritize na ang Hangzhou 9th Asian Games sa China kaysa sa World Championships na idaraos sa Belgium.
Sinabi ni POC President Rep.Abraham ‘Bambol Tolentino na ang Hangzhou Games ay magbibigay ng oportunidad kay Yulo upang makasungkit ng mga ginto sa artistic gymnastics dahil halos lahat ng kanyang makakatunggali ay nasa world championship.
“It’s going to be win- win for Team Philippines in the Asian Games because all the gymnastics powerhouse countries will be competing in world championships,” wika ni Tolentino sa idinaos kamakalawang POC General Assembly sa Parañaque City.
“So yulo has a strong opportunity of sweeping all the events in Hangzhou.
Pagkakataon din ito ayon sa alkalde ng Tagaytay ng mas malaking insentibo sa pagwawagi ng gold sa Asiad kung saan ay isang milyon ang magkakampeon, isang milyong piso sa silver at P4 sa bronze.
Si Yulo ay lumahok sa nakaraang 32nd SEAGames sa Cambodia at siya ay nag-uwi ng 2 ginto sa men’s all around, parallel bars at silvers sa rings at team event. (Danny Simon)