Advertisers
UMISKOR si Jimmy Butler ng 28 points, Caleb Martin nagdagdag ng 26, para sa Miami Heat na naging pangalawang No.8 seed na nakarating sa NBA Finals sa nakakakumbinsi na 103-84 victory laban sa host Boston Celtics sa Game 7 ng Eastern Conference finals Lune ng gabi, Mayo 29 (Martes Mayo 30,Manila time)
Butler tinanghal na MVP ng series matapos mag averaged ng 24.7 points,7.6 rebounds, at 6.1 assists.
Bam Adebayo nagtala ng 12 points,10 rebounds, at 7 assists na ang Miami ay bumawi matapos mabigo ang huling tatlong games. Ang teams na hawak ang 3-0 series lead ay nag-improved sa 151-0 all-time sa NBA playoffs.
Jaylen Brown may 19 points at 8 rebounds at Derrick White umiskor ng 18 points para sa second-seeded Boston, pang-apat na team sa NBA history na ipuwersa ang Game 7 matapos matalo ang unang tatlong laro.
Jayson Tatum may 14 points at 11 rebounds para sa Celtics.
Makakaharap ng Heat ang Western Conference champion Denver Nuggets sa NBA Finals na ang Game 1 ay sa Huwebes sa Denver.
Ang New York Knicks (1999 postseason ) ang ibang No.8 seed na nakarating sa NBA Finals.
Ang ibang 3 teams na naipuwersa ang Game 7 matapos malaglag sa likuran ng 3-0 ay ang New York Knicks (natalo sa Rochester Royals noong 1951 NBA Finals),Denver Nuggets nalaglag sa Utah Jazz sa 1994 second round) at Portland Trail Blazers nabigo sa Dallas Mavericks noong 2003 first round.
Miami nagbuslo ng 48.8% mula sa field, kabilang ang 14-of-28 mula sa three-point range.Duncan Robinson at Gabe Vincent nagdagdag ng tig-10 puntos.Martin kumana ng apat na treys at humatak ng 10 rebounds at Butler ay may 7 rebounds,6 assists.