Advertisers
NATIMBOG sa operasyon ng Manila Police District (MPD) Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa pamumuno ni Police Major Edward Samonte ang puganteng Koreano na si Kang Junchun alyas “Jungho Nam” sa North Domingo St, San Juan City nang maaktuhang gumagamit ng iligal na droga kasama ang Koreano rin si Kyung Sup Lim.
Nakuha sa mga ito ang nasa 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million. Sasampahan naman ng kasong ‘harboring criminal’ si Kim Mi Kyung na isa ring Korean national. Iniharap ang mga ito kay Manila Mayor Honey Lacuna. (NAN RAMOS)