Advertisers
NASILO ng Marinerong Pilipino-San Beda Red Lions ang top seed sa 2023 PBA D-League Aspirants Cup, 81-72 wagi laban sa CEU Scorpions sa FilOil Centre.
Jacob Cortez umiskor ng 15 points,5 rebounds,4 assists at 3 steals para sa San Beda na umangat sa 5-1 rekord— na ang kanilang nag-iisang talo ay galing sa kamay ng bagitong PSP sa first game ng conference.
Peter Alfaro,Yukien Andrada, at Clifford Jopia umiskor ng tig-11, na si Jopia ay nagdagdag ng 16 rebounds sa kanyang tally.
Ronnel Tolentino umiskor ng 25 points para sa CEU na nalaglag sa 3-3 slate, pero nakatiyak pa rin ng quarterfinals slot.
Samantala, ang Wangs-Letran Knights ay nanateli sa second seed sa magiting na 62-61 eskapo sa Perpetual Help Altas para umakyat sa 3-2 rekord.
Puwedeng i-formalize ng Letran ang top two finish kapag nagwagi sila kontra La Salle sa Huwebes Hunyo 1, alas 4 ng hapon.
Kobe Monje kumamada ng 15 points at 8 rebounds,habang si Kurt Reyson umiskor ng 13 off the bench.
Arthur Roque nagtala ng 12 points,10 rebounds, 4 steals,2 blocks,habang si Cyrus Nitura nagdagdag ng 11 points para sa 3-3 Altas.