Advertisers
Putol ang kanang braso at basag ang mukha ng ginang na tumalon sa ika-14 na palapag ng isang gusali sa Malvar St., sa kahaban ng Taft Avenue, Maynila, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Aissa Marie, 51, at may unit umanong nabili sa ika-30 palapag ng Victoria de Manila na under renovation kaya kilala siya ng mga tauhan ng condo unit kaya pinapayagang makapasok.
Sa inisyal na imbesigasyon, nagtanggal pa umano ng sapatos at bag ang biktima bago ito tumalon mula sa nasabing palapag.
Tumama ang katawan ng biktima sa barandilya ng gusali kaya naputol ang isa niyang braso habang nawasak ang mukha matapos itong bumagsak ng padapa.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.(Jocelyn Domenden)