Advertisers

Advertisers

Miguel umamin, unang nakipaghiwalay sa mga ex na sina Barbie, Kyline at Bianca

0 131

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING panauhin ni Bea Alonzo si Miguel Tanfelix sa kanyang vlog kung saan sumalang sa lie detector test ang Kapuso actor.
Sa kanilang tsikahan, inamin ni Miguel na biggest insecurity niya ay ang kanyang height.
Gayunpaman, naging consolation daw sa kanya na ang mga iniidolo niyang sina Coco Martin, Tom Cruise at Timothee Chalamet ay hindi rin naman katangkaran.
Sey pa niya, naaapektuhan din daw siya ng bashers na nagsasabing isa siyang mediocre actor na bukod sa kinapos sa height ay less of a leading man material.
Sa halip, nagiging motivation daw naman ito para patunayang mali ang kanyang detractors.
Tungkol naman sa kanyang mga idini-date, preferred daw talaga niya ang artista dahil ito ang mundong kanyang nakasanayan.
Idinenay naman niya na playboy siya just because na na-involved siya sa mga Kapuso stars tulad nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Bianca Umali at sa current flame niyang si Ysabel Ortega.
Pakiramdam din niya, never pa rin daw na pinaglaruan ng sinumang girl ang kanyang feelings.
Tipong GGSS naman niyang sinabing siya ang tipong unang nakipag-break up sa kanyang mga ex.
Hirit pa niya, kumpiyansa rin daw siya sa sariling handsome siya sa mga kababaihan.
Dagdag pa niya, hindi rin daw problema sa kanya na makatrabaho ang sinuman sa kanyang mga ex.
Hindi naman niya ikinailang hindi siya okey sa kanyang mga ex.
Umamin din siyang nakipagplastikan na siya sa katrabaho.
Para raw kasi sa kanya, gusto lang niyang maging civil at iwasan ang bad vibes sa set.
Pagbibida pa niya, naniniwala raw siyang malapit na silang maging opisyal na magdyowa ni Ysabel na ilang beses na niyang sinabihan ng ‘I love you.’
Favorite bonding moments daw nila ng “Voltes V: The Legacy” leading lady ang mag-travel, bumisita sa museums, mag-picnic sa likod ng sasakyan at manood ng sunset together.
META DESCRIPTION: Sa vlog ni Bea Alonzo, inamin ni Miguel na siya ang unang nakipaghiwalay o “bumasted” sa lahat ng kanyang mga ex. Ayon pa sa actor, greatest insecurity din daw niya ang kanyang height.
***
Snooky
ibinuking, niligawan ni Aga
NAGBUNYI si Snooky Serna dahil nakatanggap na siya ng Silver Play button pagkatapos na umabot sa more than 100k ang kanyang subscribers sa kanyang YT channel.
Sa latest entry sa kanyang vlog, sinagot ni Snooky ang ilang mga tanong ng kanyang mga masusugid na tagasubaybay.
Aniya, never daw siyang niligawan ng dating leading man na si Gabby Concepcion.
Katunayan, nagpapansin daw siya noon kay Gabo pero ang kanyang arch rival na si Maricel Soriano raw ang niligawan nito.
Inamin naman niyang niligawan siya noon ni Aga Muhlach subalit hindi raw naman sila umabot sa puntong naging magdyowa.
Pagbabalik-tanaw pa niya, ‘nagluksa’ raw siya noon nang magkahiwalay sila ng ex na si Albert Martinez.
One year daw siyang nagkulong sa bahay nila noon sa BF Homes sa Paranaque kung saan nakidalamhati rin pati ang kanyang fans sa labas ng kanilang dating tahanan.
Tanggap daw niya na hindi sila ‘meant to be’ ni Albert lalo na’t nahanap na niya ang lifetime partner niya sa katauhan ni dating Bulacan Vice Governor Mon Villarama.
Nilinaw naman niya ang isyu tungkol sa pagpaparetoke niya ng ilong.
Aniya, nagpatapyas daw siya ng ilong sa edad na 17 na choice raw niya noon.
Hindi rin niya ikinaila na great love niya ang namayapang aktor na si Miguel Rodriguez.
Espesyal daw sa puso niya ang aktor dahil malalim ang pundasyon ng kanilang friendship.
Lately, aminado rin siyang nagiging emotional eater siya kaya bet na raw niya ang magdiyeta.
Tungkol naman sa kanyang pagiging malumanay, naturaleza raw niya ito pero marunong din daw siyang magmaldita at ipakita ang kanyang pagiging palaban.