Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
INALMAHAN ni Sharon Cuneta ang isang basher na nagsabing sumisipsip siya kay Coco Martin para mapasama sa cast ng FPJ`s Batang Quiapo.
Ipinost ng Megastar ang kanyang nararamdaman sa umano`y pag-amin nina Coco at Julia Montes sa kanilang relasyon.
Ayon kay Sharon, masaya siya sa kanyang dalawang anak-anakan. “Umamin na ang mga anak ko! Yaayyy!!! Happy si Mommy Sha! @montesjulia08 @cocomartin_ph,” simula ni Sharon.
“PS I become close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ`s Ang Probinsiyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.
“They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much – and no matter what my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change!
“I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let`s all be happy with our own lives and be happy for them,” pahayag pa ni Sharon.
May basher na nagkomento ng, “Okey, sige. Sipsip pa more, baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo.”
Natural lang na hindi ito nagustuhan ni Sharon at hindi niya ito pinalampas. Unang hirit ni Mega, “Excuse me? Saang planeta ka lumaki!”
Sabi pa ni Shawie, “May sarili akong mga trabaho. Busy ako.”
Patuloy pa niya na halata nang imbiyerna, “Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa Probinsiyano, ako ang inimbita at di ako nagpresinta. `Pag ako nagpresinta ng sarili ko, yun ay para makatulong at hindi para matulungan.
“Dalawa ang parating kong teleserye at may mga movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista ay yung wala nang alam, bastos pa.”
Samantala, ang sinasabi ni Sharon na pag-amin nina Coco at Julia ay ang naging statement ng actor kamakailan sa isang interview na 12 years na silang magkasama ng rumored gilfriend.
Pero kaagad naman nagpaliwanag ang Dreamscape Entertainment na ang ibig sabihin daw ni Coco ay 12 years na ang working relationship nila ni Julia.
***
Hurado ng The Clash 2023 tinawag na Cooking Judges
Congrats sa apat na naging finalists ng The Clash 2023 na ginanap last Sunday. Lahat ng finalists ay magagaling kumanta. Standing ang galing sa pag-awit ng tatlong babae kumpara sa nag-iisang lalaki.
Pero hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng mga netizen lalo doon sa mga nakapanood ng contest na nagtatanong kung paano at ano raw ang ginawang paghuhusga sa kung sino ang dapat tanghaling The Clash Champion.
Sa apat ay dalawa ang natira, sina Rex at Arabelle para paglabanan kung sino ang tatanghaling Champion.
Isang kanta na ginawa ng isa sa mga hurado ang pinakanta sa dalawang naglalaban sa nasabing contest.
Grabe at ang ganda ng pag-awit ni Arabelle sa kanta kumpara sa pagkaka-awit ng nag-iisang lalaki na si Rex.
Maging ang naging reaction ni Julie Anne San Jose na tumayong host ng nasabing contest ay napasabi ng, “Grabe!! Pagkatapos kumanta ni Arabelle kumpara pagkatapos kumanta ni Rex.
Kung pagbabasehan ang naging reaction nina Julie Anne at ng isa pang hurado ay parang alam mo na kung sino ang tatanghaling champion.
Pero laking gulat ng mga nakapanood nang tawagin na nagwagi ay si Rex at hindi si Arabelle.
Walang duda na magaling kumanta ni Rex pero sa pagkakataon na yun nang pareho nilang kantahin ang inihandang kanta ng isang hurado ay walang duda na napakahusay ng pagkaka-awit ni Arabelle kumpara sa pagkaka-awit ni Rex.
Sabi tuloy ng mga netizens nakapanood ng nasabing contest ay dapat hindi The Clash 2023 ang contest kundi Search for a Movie Star.
Anyway, congrats kay Rex na bukod sa magaling din kumanta ay puwedeng-puwedeng maging isang artista.