Advertisers

Advertisers

Tito, Vic and Joey, babu na sa “Eat Bulaga” ng TAPE, lilipat na ng TV5?

0 167

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGPAALAM na ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga na prodyus ng TAPE, Inc.
Ito ay malungkot nilang ipinahayag pagkatapos na hindi sila payagang mapanood nang live ng nasabing show na pagmamay-ari ng mga Jalosjos.
Sa kanilang pamamaalam sa ere, nagulat ang loyal viewers ng longest running show dahil replay ang napanood nila kahapon.
Pinasalamatan nina Joey at Vic ang lahat ng TV networks na naging tahanan nila sa nakalipas na 44 taon, at pati na ang advertisers na nagtiwala sa kanila.
Hindi pa malinaw ngayon kung magpapatuloy ang Eat Bulaga! o kung ano ang mangyayari sa programa.
Ayon naman sa ilang impormasyon, “done deal” na ang paglipat nina Tito, Vic, at Joey sa TV5.
Naganap daw ang contract signing nila sa Kapatid network, sa pangunguna ni Manny V. Pangilinan, noong Lunes, May 29.
Ito naman ang naging pahayag ng GMA-7 sa nasabing pangyayari.
“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.
Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”