Advertisers

Advertisers

MAYOR BINAY, BINABASTOS NI SYBEL?

0 1,236

Advertisers

MATAPOS na maisiwalat ng media ang operasyon ng illegal gambling ni alyas Sybel sa Makati City may ilang linggo pa lamang ang nakararaan ay ipinag-utos ni Mayor Abby Binay sa pulisya ng lungsod ang paglulunsad ng operasyon laban sa pasugal ng naturang iligalista tulad ng loteng, EZ2, Swertres, ending at horse racing bookies.

Dahil sa utos ng mayor na anti-vice operation ay nagsagawa naman ang kapulisan ng siyudad at maging ang operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng pakunyaring pag-aresto sa mga kubrador ng loteng, EZ2 at horse racing sa hurisdiksyon ng lungsod na ang naapektuhan lamang ay ang maliliit na kubrador, samantalang nakalibre naman ang mga mayor o kabo na siyang nag-aakyat ng milyones na kubransa kay Sybel.

Upang mapahupa ang mainit na isyu laban sa bawal na pasugal sa naturang siyudad ay kusang pinahinto ni Sybel ang kanyang illegal gambling, subalit ayon sa ating KASIKRETA ito’y pansamantala lamang dahil ilang araw lamang ang lumipas ay muli na namang nakita ang kanyang mga kubrador sa lansangan.



Nabuksang muli ang opisina sa 7804 J.B Roxas Street sa Brgy. Olympia, Makati City kung saan dinadala at nirerebisa ang nakokolektang bet money at iba pang pasugal tulad ng Swertres at ending ni Sybel.

Parang sampal din kay Makati City Police Chief Col. Edward Cutiyog, may mga itinayo pang betting station ng karera ng kabayo kung saan ay nagpapataya din sa loteng EZ2 bookies, ending at Swertres ang mga empleyado ng Sybel sa ibat ibang lugar sa pusod ng siyudad.

Ang mga may pinakamalalaking pakubransa ng kabo ni Sybel tulad nina Adin at Liza ng Tenejeros, Aguilar at Varona Street; Anog at Moymoy ng Esparan at Dizon Streets, ay lantaran ang pagtanggap ng engreso ng taya sa kanilang mga kubrador sa nasabing lugar na hindi kinakanti man lamang ng kapulisan ng Makati City.
Ang pinaggagagawa ni Sybel ay tahasang pambabastos kay Mayor Binay dahil kahit galit na ang mayora ay ibinalik pa nga ang operasyon ng kanyang pasugal, hindi lamang sa pili at dating lugar tulad ng Olympia, Carmona, Valenzuela, Poblacion, Bangkal, La Paz, Sta Cruz, Guadalupe, Singkamas, Tenejeros, San Antonio, Cembo, Comembo, East at West Rembo, Aguilar, Varona, Esparan, Dizon Street kundi ngayon ay laganap na sa 33 barangay ng siyudad ng Makati.

Ayon pa sa ating police insider, hindi lamang sa Makati City nakakapangubra ng taya sa kanilang iligal na pasugal si Sybel kundi unti-unting pinapasok na din ng kubrador nito ang karatig na lungsod ng Maynila at Taguig.

Pagkat tila hindi makayang sugpuin ni Col. Cutiyog ang labag sa batas na operasyon ni Sybel, panahon na marahil na balasahin nito ang kanyang intelligence unit at mga operatiba dahil sa kawalan ng kakayahang masupil ang mga gambling den at rebisahan ni Sybel na iniuulat pang prente ng bentahan ng shabu sa naturang siyudad.



Malaki ang pananagutan ni Col. Cutiyog kay Mayor Binay na tiyaking ligtas at payapa ang mga residente nitong nalulong sa bisyong pagsusugal at paggamit ng drogang inilalako din ng mga gambling bet collector ni Sybel.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.