Advertisers

Advertisers

PATAWA LANG

0 235

Advertisers

MALAMIG si Pangulong Marcos sa panukala ni Bong Go na italaga si Gongdi bilang “drug czar” na may mga natatanging kapangyarihan upang habulin ang mga suspect sangkot sa paggamit at kalakalan ng mga ipinagbabawal na droga. Minarapat ng Pangulo na hindi kumilos at huwag magbigay ng anuman komento sa panukala ng kinikilalang alalay ni Gongdi.

Dahil naramdaman ni Gongdi na hindi siya pinansin ng Pangulo, nagkunwari na tumutol siya sa mungkahi ni Bong Go. Sa isang pahayag mula sa Davao City, nagpanggap si Gongdi na retirado na siya bilang lingkod bayan at walang siyang hangad kundi gugulin ang buhay bilang isang retiradong pulitiko. Sino ang niloloko ng mag-amo?

Naglalaway pa rin sa puwesto si Gongdi bagaman sa pakiwari ni BBM, wala na siyang silbi sa anumang kapasidad. Tapos na siya bilang pulitiko at lingkod bayan. Nagkaroon si Gongdi ng pagkakataon upang umugit sa sariling digmaan kontra droga. Nabigo. Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya at ngayon, gusto niyang humirit ng isa pang pagkakataon.



Maraming problema ang bansa na kagagawan ni Gongdi. Hindi mapigilan ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing produkto tulad ng pagkain at petrolyo sa merkado. Halos P14 trilyon ang utang ng national government at mahirap pagkasyahin ang natitira sa malilikom na buwis para sa pambansang budget. Nariyan ang patuloy na pamamayagpag ng Tsina sa ating exclusive economic zone. Hinayaan ni Gongdi na halayin ng Tsina ang ating karagatan.

***

ISA kami sa mga nalungkot sa paglisan ni Dennis Fetalino, ang aming kamag-anak, kaibigan at kababayan na mamamahayag na mula sa lalawigan ng Romblon. Patnugot ng maraming taon si Dennis sa pahayagang People’s Journal. Nagtapos sa University of the East si Dennis. Pumalaot siya sa larangan ng pamamahayag pagkatapos ng mapayapang himagsikan sa EDSA noong 1986.

Kinilala si Dennis bilang batikang mamamahayag sa larangan ng ekonomiya. Bukod sa magaling magsulat si Dennis, magaling rin siyang mang-aawit at kabisado niya ang mga awitin ng batikang rock star na si Elvis Presley. Nakikiramay kami sa kanyang mga iniwan.

***



HINDI nauubusan ng kalokohan ang mga abogado ng gobyerno na nasa likod ng mga pinagtap-tagping sakdal laban kay Leila de Lima, ang bilanggo ng budhi. Dalawang linggo pagkatapos mapawalang sala si de Lima ni Hukom Abraham Joseph Alcantara ng Muntinlupa City RTC Branch 204, dumulog ang Panel of Prosecutors ng DoJ at humihingi ng muling dinggin ang kaso ni de Lima. Hindi namin malaman kung lasing ang mga abogado ng DoJ.

Hindi na namin babanggitin ang kanilang pangalan at hindi namin nais na sumikat sila dahil sa kagaguhan. Sarado na ang kaso ni de Lima dahil sa hatol ng acquittal ni Alcantara sa kanyang sala. Kung muling bubuksan, mahaharap ang asunto sa usapin ng double jeopardy na bawal sa Saligang Batas. Hindi maaaring maharap sa dalawa o mahigit ang pagdinig sa isang usapin na dinala sa husgado. Ito ang prinsipyo ng double jeopardy sa batas.

Hindi tuwiran sinagot ng kampo ni de Lima ang kagaguhan ng mga abogado ng gobyerno. Bagkus, hiningi nila sa hukuman ni Alcantra na alisin o tanggalin sa record ang motion for reconsideration ng mga abogado ng DoJ. Tapos na ang asunto at wala nang poder ang hukuman upang buksan ito muli. Ani Josef Leroi Garcia, manananggol ni de Lima sa kanyang motion to expunge ang motion for reconsideration:

“Court no longer has jurisdiction over the case after acquittal which is final and executory. Even the judge no longer has jurisdiction to alter his own judgment of acquittal because it is final and executory immediately. A judgment of acquittal, whether ordered by the trial or the appellate court, is final, unappealable, and immediately executory upon its promulgation.”

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Modern-day Jews, whether in Israel or elsewhere, are ashamed of the Holocaust, the collective experience where more than six million Jews perished in World War 2. They could not believe that so many Jews died without fighting the Nazis. They could not believe that a big number of Jews were brought to a single place to face systematic extermination. This is a situation which the current generation of Filipino may face in ten or twenty years from now. They would be too embarrassed to answer when the next generation would ask them what they have done while the Duterte government has practically ceded us to China. They’ll ask us how we have reacted when all signs point to a systematic surrender to China. They’ll ask us if we have felt any sense of indignation, or rightful protest.” – PL, netizen

“Having a rubber stamp Senate is scary and dangerous. Each and every member of the Senate must show their independent stance and opinion on important issues because that is the essence of democracy.” – Florante Samson, netizen

“Pansin nyo rin ba na tuwing nagsasalita si SWOH, eh ambabaw, walang sense o substance?” – Leisbeth Recto, netizen

***

TUMAPAT sa ika-24 ang ikaapat na Lunes ng buwan ng Hulyo. Nakatakda ang Pangulo na magsalita sa bulwagan ng Kongreso at ihayag ang kanyang State of the Nation Address (SONA). Ngayon, may mga ilang tema ang maaaring banggitin ng Pangulo sa SONA.

Nangunguna ang pagbibigay ng kanyang pananaw sa pangangailangan ng pagpapatatag ng seguridad ng rehiyon ng Silangang Asya sa gitna ng banta ng agresibo at mapanuwag na Tsina na kumamkam sa ilang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea. Inaasahan na ibibigay ng Pangulo ang kanyang katwiran sa pagpapalakas ng alyansang pangseguridad sa pagitan ng Estados Unidos at Fiipinas at ang pagbasura sa Tsina na hanggang ngayon ay patuloy na kumakatok sa Filipinas upang manatiling maimpluwensiya tulad noong panahon ni Gongdi.

Hindi malayo na bigyang diin ng Pangulo ang kanyang polisiya sa usapin ng ipinababawal na droga. Patukoy na kumakatok ang paksyon na bigyan ng poder si Gongdi sa usapin ng droga kahit malinaw na hindi sang-ayon ang Pangulo at PNP sa polisiya ni Gongdi na kumitil ng libo-libong mahihirap batay sa hinala lamang. Malalaman rin natin sa SONA kung ano ang saloobin ng Pangulo sa formal investigation ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasabwat sa walang patumanggang patayan tungkol s droga.

***

SABI ni Risa sa isang pahayag: “Senator Risa Hontiveros said that a licensed Philippine Offshore Gaming Operator has been used as a legal cover for a cryptocurrency scam and human trafficking operation in Sun Valley Hub Corporation in Clark, Pampanga.

The scam is operated by a company called Colorful and Leap Group, which is a sublessee of CGC Technologies, Inc., a POGO company licensed by the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

The Inter-Agency Council Against Trafficking confirmed during the Senate Committee on

Women hearing on scam operations that scam hubs do hide under a legal cover.

“It is appalling that this fraudulent cryptocurrency corporation, which has trafficked thousands of foreign nationals into the country to work as scammers, has been operating under a legal POGO. Ginagamit o nagpapagamit ang mga POGO para manloko ng mga inosenteng tao,” Hontiveros said.

“Ano ang ginagawa ng PAGCOR? Hindi naman pwede na pag-nag-apruba sila, hindi na nila babantayan. PAGCOR, as the regulator of POGOs, should be actively looking into the companies that they allow to operate in the country. Otherwise, it is, in effect, exacerbating this growing and disturbing humanitarian crisis in our region,” Hontiveros said.

***

Email:bootsfra@yahoo.com